sira na ang computer, at iyon ang pinakamagandang balita ng araw na ito. hulaan mo na lang kung ano ‘yung masasamang balita. kung paano ako nakakapagsulat dito dapat alam mo, kung hindi… e di itanong mo, at sasabihin ko sa ‘yo. kung ikaw ikaw, kung ikaw ang ikaw sa blog ko, kung ikaw ang ikaw ko. kasi kung hindi, sino ka? ako?
dapat ay masaya ako ngayon, kasi nagtapos ang pebrero nang may mabuting balita. pero ewan ko, nagkamali yata ako ng basa, at meron akong senyales na hindi naisama sa komputasyon, at ngayo’y nagagambala ako. tas nakalimutan kong pang… hay… parating na ang tag-init. umuulan sa buong mundo, ika nga ni tinio.
muntik na akong bumigay. technically, bumigay ako. pero dahil panandalian lang, di ko ‘yon bibilangin. pero muntik na ‘yun. punyeta, kailangan ko ng isang trak ng pera. ‘yun lang ang solusyon sa problemang ito.
o kaya, fast forward. fast forward sa disyembre. ok na rin sa ‘kin ‘yon. pero shemps, hindi. amor fati, nakaraan, kasalukuyan, kinabukasan. kung wala ka nang sayang maibibigay sa ‘kin, buhay, magbigay ka ng lungkot.
nahihirapan ako e. punyeta kasi, ako dapat ‘yung direktor nitong pelikula, tas ang nangyayari pati ‘yung role ko bilang actor nawawalan ng giya. o, rather, alam ko naman ‘yung script, at sinusunod ko naman, pero pare ambagal ng plot mo…
kanta na lang tayo:
papa don’t preach
i’m in trouble deep
papa don’t preach
i made up my mind
i’m keeping my baby
Leave a Reply
XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>