e4
naiinis ako kasi pinatay nila si trip. dapat nagkatuluyan si trip at t’pol. pero kahit na hindi, dapat di pa rin pinatay si trip. naging pilit tuloy, pekeng poignance. also, out of place ‘yung episode na "observer effect." mahusay ang season na ‘to kahit walang mga ethical puzzles kasi puro action. kaya wala talaga sa lugar ‘yung episode na ‘yan. mahusay ‘yung 3-episode arc tungkol sa vulcans, pati na rin ‘yung tungkol sa andorians, tsaka ‘yung 2-parter tungkol sa klingons. pinakakawawa talaga sa buong 4 na seasons si hoshi, kasi bagaman meron s’yang silbi, walang pag-uungkat tungkol sa kanyang pagkatao. at least si mayweather naexplore ang pamilya sa season 2. overall ang pinakamahusay na season ay 3, at ‘yan ay kahit na di ko napanood ang 3 episdoes nun (kaya ako nagpalit na ng pinagkukuhanan ng pirata). sayang nga lang at tapos na ang franchise, pero i have to say that i like scott bakula better than patrick stewart. ewan ko, siguro after voyager pagtripan ko naman ang orihinal na serye. disappointing kasi si t’pol bilang vulcan, samantalang si spock sa mga pelikula talagang… well, vulcan. live long and prosper. siguro ang iniisip ng writers/producers makokornihan ang bagong viewers pag todo hand gesture pa, pero ewan ko, it’s part of what makes star trek sometimes better than star wars e, ‘yung pagdelve into strange cultures. tas tatanggalin pa nila. mas catchy naman ang "the need of the many outweigh the needs of the few" kaysa "may the force be with you". pero talagang di nila dapat pinatak si trip.