alas dose y kinse, byernes, nob 24, 2006
sikyo: id?
u eliserio: wala. (kakaway, tuloy lang sa lakad.)
sikyo: (susunod.) form 5.
ilalabas ni u eliserio ang wallet. ilalabas ang id. handa nang magpahiya.
aagawin ng sikyo ang id ni u eliserio. hindi ito ibibigay ni u eliserio. tug of war!
maagaw ng sikyo ang id. titingnan ito. magiging "sir" na ang tawag kay u eliserio.
u eliserio: kayo, nananakot kayo ng estudyante. (nanginginig ang boses, malapit nang umiyak.)
sikyo: intindihin n’yo naman po sir ang sitwasyon namin. kunin n’yo na lang ang pangalan ko, kunin ko ang pangalan n’yo.
matatanto ni u eliserio na lugi s’ya sa palitang ‘yon. tatakbo sana, kaso maaalalang may konti pa s’yang dignidad, kaya lalakad na lang palayo nang mabilis.
sikyo: (hahabol.) sir? sir!
abangan ang susunod na kabanata.