October, 2006Archive

Oct 22

Meron akong sampung dahilan kung bakit hinihiling kong matalo si Pacquiao sa nalalapit n’yang laban kay Morales sa Nobyembre. Idagdag lang po ang sa inyo, at ipasa sa iba ang ating manifesto.

1. Ipapatugtog na naman ang "Para Sa ‘Yo" sa mga radyo. Hindi ka marunong kumanta, Pacquiao, pwede ba?

2. Dadami na naman ang patalastas ni Pacquaio. At pa’no kung pakantahan s’ya sa mga ‘yun? (Extreme! Extreme! Magic sing!)

3. Ang boxing ay barbariko at hindi dapat ipinagdiriwang. Ang punto ng boxing ay saktan ng kalaban, hindi ang pumuntos (tulad ng sa judo). Ang nananalo sa boxing ay kung sino ang MAS NAKASAKIT, sekondarya lang ang istilo at diskarte. At tingnan na lamang din na Mexicano at Filipino ang naglalaban. Para bang nagsasabong ang mga puti, at ang mga mamamayan ng mahirap na bansa ang manok.

4. Idedeklara na namang bayani si Pacquiao, s’ya na naman ang ibibidang representatibo ng Filipino na umunlad dahil sa pagsisikap. At ano kaming lugmok sa hirap, tamad? Saan mo ba nakuha ang pera mo, sa pananakit ng kapwa, di ba?

5. May pagkakapareho si Pacquiao at Sam Milby: pareho silang malapit nang malaos. Hindi kayo naniniwala? Di ba dati sikat si Onyok Velasco at Amanda Page? Sino kamo? Hindi mo na sila kilala. ‘Yun ang punto! Walang nabubuong permanente ang showbizipikasyon ng sports.

6. Mag-asawa ang boxing at sugal. Masama magsugal.

7. Pag manalo si Pacquiao, puro s’ya na naman ang bukambibig ng ABS-CBN, pati na rin ng ibang channel, pati na rin sa radyo. Saan pa tayo makakakuha ng makabuluhang balita at aliw?

8. Walang numero otso.

9. Gagawan ng sequel ang pelikula ng buhay ni Pacquiao. Si Jericho Rosales at Bea Alonzo na naman ang magkatambal. Ano ba? Hindi sila marunong umarte!

10. Pag nagpatuloy ang pagsikat ni Pacquiao, baka pumasok s’ya sa pulitika. E di ba may cha-cha? S’ya ‘yung magiging Prime Minister! Prime Minister Manny Pacquiao! PMMP!

Oct 21

Gusto ko ng FREE Zwinky!  Ang cute!

Oct 20

Sa mga Suso ng Liwanag

is very much like Ulysses in the sense that their first editions are full typographical errors. And while Jame Joyce’s epic patterns itself after the adventures in the Odyssey, the ten chapters of Sa mga Suso ng Liwanag are modeled after the ten commandments.

Visit the the U Z. Eliserio Adoration Page! Visit www.uzeliserio.blogspot.com! Reviews! Fiction! Links to better websites!

Oct 03

Gusto kong ibalita na lumabas na ang aking Muli, Si Maynard sa Ang Aklat Likhaan ng Dula 1997-2003: Kapangahasan bilang Kaligtasan, inedit nina Rene Villanueva at Vim Nadera.

Tatlong taon kong inaasam ang librong ‘to. Kanina, dumaan ako sa Balay Kalinaw para bumili ng kolekshon ng mga salawikain ni Damiana Eugenio. Anong ligaya nang makita ko ang kopya ng antolohiyang kay tagal ko nang hinintay!

Marahil narinig n’yo ang iyak ko mula sa UP Press Book Store? Sa sobrang excited nang bilhin ko ang libro’y nakalimutan kong may contributor’s discount pala.

O s’ya, kasama na lang sa rebyu ng mga libro sa taas ang buong kwento sa likod ng aking dula. Basta dapat mo lang malaman, mahal kong mambabasa, na kung di ka bibili ng Muli, Si Maynard, wasak ang love life mo sa susunod na pitong taon. :)

O sige, walang titi ng post na ‘to, pero friend naman siguro kita, so palampasin mo na.  :)