July, 2006Archive

Jul 29

e: eternal reccurence?

Maybe I should… maybe it’s wrong

I love… Ariadne, though I don’t know from which myth she comes

My bestfriend(s)… wedding?

I don’t understand… I don’t wanna wait

I lost… myself in translation

People say… this is a very frustrating survey

This question shud be… concerned with technology

Love is… holding on and letting go

Somewhere, someone is… looking at the same stars

I will always… be here, though i am dead

Forever seems… forever is forever

I never want to be…. a gene traitor (but i am, say sorry)

My mobile phone… is not working

When I wake up in the morning… i thank god my dreams were only dreams

I get annoyed when… not so much when as every other minute

Parties are… dangerous

My pets are… dead

Kisses are the best when… masarap lang kisses pag matigas at may nuts, ‘yung kulay gold ata ‘yun

Today I… on the brink of suicide, thank god for books

Tomorrow I will… waking up early

I really want… to write

Jul 23

nnatapos ko na rin sa wakas (after eleven months of reading) si fromm-reichman.  gusto kong sabihing marami akong natutunan sa kanya, kaya sasabihin ko: marami akong natutunan sa kanya.  obyus man ang marami sa kanyang mga suhestiyon, mahusay na ring mapaalalahanan.

tapos ko na rin si agatha, medyo mas exciting ‘tong carribean kaysa library.  pero racist na racist!

napanood ko na sa wakas ang lady in the water.  ito ang aking ranking ng mga pelikula ni m. knight:

1. the village

2. the sixth sense

3. unbreakable

4. lady in the water

5. signs

pwedeng pagpalitin ang 2 at 3.

very happy with my purchases last saturday.  happy happy happy is the man who just got how many st dvds.  by the way, gets mo naman na hindi sex trip ang meaning ng st, right?  kailangan kong magpunta ng megamall (aking tahanang malupit) at glorietta sa mga susunod na buwan.  siguro sa susunod na linggo. ang hirap lang sa pagpunta ng mall ay ang paggising nang maaga.

o s’ya, wala raw pasok bukas.  hay, extrang tulog.

ps: hindi na ito ang  blog ko from now on.  sundan na lang ang aking mga adventure sa ww#$@%^@694

Jul 19

SIGE, type ko muna ‘to, saka ako mag-internet. Mas matipid, kaso shempre meron na namang kung anong sasabihin ang friendster sa aking tungkol sa rich text format. Ewan, ewan ko sa teknolohiya, kasi ang esensha naman ng teknolohiya ay hindi teknolohikal. Sa tingin ko walang mambabasa ng blog na ito ang nag-eenjoy sa kanyang ginagawa. Sana man lang kung naiintindihang katarantaduhan ang nakasulat dito, kaso hindi. Nanood na ba kayo ng Superman? Ako hindi pa, at mukhang hindi na ako makakapanood. Sabi ng isang kaibigan (itago na lang natin s’ya sa pangalang Jorge), may anak daw si Superman! Hala! Ibig sabihin, nagsex sila ni Lois Lane! Supersperm!

TAPOS ko na ang The Eternal Recurrence of the Same ni Heidegger, at buti na lang kasi itong dalawang susunod na libro n’ya’y lubhang mas mahaba kaysa sa unang dalawa. Itong ikalo’y nasimulan ko nang basahin nung ako’y andrergrad, pero wala na akong maalala sa kanya kundi ang fact na hindi ko s’ya maintindihan, kaya kailangan kong simulan muli. Hopefully, maintidihan ko na this time. Ewan ko ba, pero pag si Heidegger ang masakit basahin, okey lang sa akin, pero pag si Derrida nakakainis. On the flipside, Agatha Christie is very easy to read, but I can’t push myself into reading more than five pages of her everyday. It’s the elitist in me, I guess.

I’VE always said I’m transparent to my friends, and yesterday night I proved it once more. Not that getting told the truth is any help, as Morpheus said, there’s a difference between knowing the way and walking the way. We all know, for example, that human being are more important than money, and yet we live by the opposite. (Or am I making a fact/value misdistinction?) (How can you not love a guy who uses misdinction in his blog?)

BAGAMAN nabasa ko na si Heidegger napapansin kong bumabagal ang aking pagbabasa ngayong Hulyo. Beinte na bukas! Sa palagay ko’y hindi well-balanced ang aking reading list, sablay pagdating sa panitikan. Bagaman nakitman ko na ang _____ ni _____, alam kong hindi ito sapat. Ang kaso’y wala akong lakas kumain pa ng mas marami. (O, o, o, h’wag madumi ang isip, hindi kabastusan ang nasa mga blanko.)

NAKYUKYURYUS ako dun sa chain friendster bulletin post hinggil sa nagpakita ng bubs sa embasi. Of course, I know it’s not about boobs, that most probably it’s a sick letter involving people dying if it isn’t passed, but there’s this voice at back of my mind telling me to open it anyway. I’ve managed to resist so far, but if it continues until the weekend I’ll probably succumb. Hmm… succumb!

MY mind isn’t working, say sorry. I really should be reading something, I don’t know. And then I wanna buy some cards, probably a box, but I don’t have the money. (Well, actually I do, but I also wanna watch this movie…) Ewan ko. Hindi ko alam. Pwede bang h’wag na lang nating pag-usapan? O s’ya, katapusang tawag.

PS This blog’s last post will be coming this Sunday, as I was promised a new blog next week. I’ll post na lang my forwarding address, mahal kong mambabasa, para masundan mo ako. Or should I say n’yo? Get it? Get it?

PPS Nakwento ko na bang napanood ko na ang ST4? Sobrang nakakatawa, ‘yun na ang paborito kong ST ever.

PPPS Ay, nakwento ko na nga. :(

Jul 19

SIGE, type ko muna ‘to, saka ako mag-internet. Mas matipid, kaso shempre meron na namang kung anong sasabihin ang friendster sa aking tungkol sa rich text format. Ewan, ewan ko sa teknolohiya, kasi ang esensha naman ng teknolohiya ay hindi teknolohikal. Sa tingin ko walang mambabasa ng blog na ito ang nag-eenjoy sa kanyang ginagawa. Sana man lang kung naiintindihang katarantaduhan ang nakasulat dito, kaso hindi. Nanood na ba kayo ng Superman? Ako hindi pa, at mukhang hindi na ako makakapanood. Sabi ng isang kaibigan (itago na lang natin s’ya sa pangalang Jorge), may anak daw si Superman! Hala! Ibig sabihin, nagsex sila ni Lois Lane! Supersperm!

TAPOS ko na ang The Eternal Recurrence of the Same ni Heidegger, at buti na lang kasi itong dalawang susunod na libro n’ya’y lubhang mas mahaba kaysa sa unang dalawa. Itong ikalo’y nasimulan ko nang basahin nung ako’y andrergrad, pero wala na akong maalala sa kanya kundi ang fact na hindi ko s’ya maintindihan, kaya kailangan kong simulan muli. Hopefully, maintidihan ko na this time. Ewan ko ba, pero pag si Heidegger ang masakit basahin, okey lang sa akin, pero pag si Derrida nakakainis. On the flipside, Agatha Christie is very easy to read, but I can’t push myself into reading more than five pages of her everyday. It’s the elitist in me, I guess.

I’VE always said I’m transparent to my friends, and yesterday night I proved it once more. Not that getting told the truth is any help, as Morpheus said, there’s a difference between knowing the way and walking the way. We all know, for example, that human being are more important than money, and yet we live by the opposite. (Or am I making a fact/value misdistinction?) (How can you not love a guy who uses misdinction in his blog?)

BAGAMAN nabasa ko na si Heidegger napapansin kong bumabagal ang aking pagbabasa ngayong Hulyo. Beinte na bukas! Sa palagay ko’y hindi well-balanced ang aking reading list, sablay pagdating sa panitikan. Bagaman nakitman ko na ang _____ ni _____, alam kong hindi ito sapat. Ang kaso’y wala akong lakas kumain pa ng mas marami. (O, o, o, h’wag madumi ang isip, hindi kabastusan ang nasa mga blanko.)

NAKYUKYURYUS ako dun sa chain friendster bulletin post hinggil sa nagpakita ng bubs sa embasi. Of course, I know it’s not about boobs, that most probably it’s a sick letter involving people dying if it isn’t passed, but there’s this voice at back of my mind telling me to open it anyway. I’ve managed to resist so far, but if it continues until the weekend I’ll probably succumb. Hmm… succumb!

MY mind isn’t working, say sorry. I really should be reading something, I don’t know. And then I wanna buy some cards, probably a box, but I don’t have the money. (Well, actually I do, but I also wanna watch this movie…) Ewan ko. Hindi ko alam. Pwede bang h’wag na lang nating pag-usapan? O s’ya, katapusang tawag.

PS This blog’s last post will be coming this Sunday, as I was promised a new blog next week. I’ll post na lang my forwarding address, mahal kong mambabasa, para masundan mo ako. Or should I say n’yo? Get it? Get it?

PPS Nakwento ko na bang napanood ko na ang ST4? Sobrang nakakatawa, ‘yun na ang paborito kong ST ever.

PPPS Ay, nakwento ko na nga. :(

Jul 15

TOP TEN REASONS TO BUY SA MGA SUSO NG LIWANAG BY U Z. ELISERIO

10. Puro sex ang nobela

9. Tungkol sa UP life (frat wars, abortion)

8. May FREE vcd

7. Merong cancer si U Eliserio at ang kita mula sa libro’y gagamitin para sa kanyang pagpapagamot

6. Puro sex ang nobela

5. Detective story - sobra sa suspense!

4. Walang number four

3. Para masabi mo sa mga kaibigan mo na nakatikim ka na ng mga suso ng liwanag

2. Puro sex ang nobela

1. Kung hindi mo ifoforward ang post na ito sa 15 na tao magkakaroon ka ng anak na adik

Jul 15

DEAR Amy,

NO, no, hindi talaga ito sulat sa iyo. Naalala ko lang ang ganito mong teknik sa iyong blog noon, at nais kong gayahin. Hindi ko alam kung manonood ako ng _____ o ng ST. Would you believe thirty minutes pa bago dumating ang aking tanghalian. May kapitbahay daw kaming mangkukulam hindi ko alam kung totoo. Disturbing ang aking panaginip kaninang umaga, imajinin mo dalawang _____! At lalake ‘yung isang version! Hay… By the way Hemingway, natuklasan kong ako’y masokista, kaninang madaling araw lang. Ang galing talaga ni ____, ‘no?

MUKHANG hindi ko matatapos si Heidegger ngayong weekend, paano’y adik ako sa _____. Tsaka, isa pa, masokista ako, ergo _____. Nagugustuhan ko itong puro blanko ang aking blog. Para ako mismo, pag binabasa ko na s’yang muli, hindi malaman kung ano ang aking ibig sabihin. Pero hindi ba ganyan naman talaga ang alaala? Puro blanko, na ang umaalala ang kailangang magpuno? Diyan sumibol ang unang mga kwento, sa aking palagay, sa mga siwang sa memorya. O, sabi nga ni Joyce: "Llps! The keys! A way a love a long the" The what? Pero naniniwala ka bang ‘yan ang huling mga salita sa Finnegans Wake? At kung oo, naimpress ka ba? (Of course, hindi na si Amy ang kausap ko rito, mahal kong mambabasa, kundi ikaw, kung sino ka man.)

BAD dreams, bad dreams. Ano ba ini, rebelasyon ng mga darating na pangyayari? Pero imposible, pero posible! Ano nga naman ang makakapigil sa akin ngayon? (Ano ba idto yata dapat.) Minsan pala’y hindi gumagana ang mga itim na sulat, at pag dumating ang araw na iyon sa aking buhay, saan ako pupulutin? H’wag muna kaya akong magsulat ng isang taon? H’wag muna kaya akong magbasa ng isang tao? H’wag muna kaya akong mag-internet ng isang taon? H’wag muna kaya akong magreklamo ng isang taon? H’wag muna kaya akong magalit ng isang taon? H’wag muna kaya akong malungkot ng isang taon? Mabuhay kaya muna ako ng isang taon? Naisip ko lang, kung mag-ala _____ ako, hindi ko kakailanganing MANOOD ng _____, kung saan ko napulot ang ideya ng pagiging ala _____. Hindi paradox?

MALUNGKOT ako Dorina, hindi mo lang alam. Hindi mo lang alam kung gaano kita kamahal. Ikaw din Lavinia. Sa totoo lang, trip na trip ko talaga si Angelika dela Cruz. Or is it Angelica? Basta. Kawawa naman s’ya ‘no? Umalis s’ya sa 7 kung saan s’ya bida, tas ngayon sa 2 kontrabida s’ya. Natutuwa ako’t lagi ko s’yang nakikita sa telebisyon, sila ni SG. Isama mo na rin si Ai-Ai. Ngayon lang yata ako umibig muli nang ganito. Sana isang araw makilala kita Dorina, makuha ang iyong otograf. Sana.

KONTI na lang ang natitirang pantal, pero masama ang tiyan ko. Hay naku, Lunes pa naman bukas. Inaalala ko ‘yung "Toilet Reading," at itinatanong ko sa aking sarili kung nakaligtaan ko na ba ang tae. Kung sa aking pagbubusisi sa titi’y naging kitsch na rin ako. Sana hindi. Pero mukhang oo. Nalulungkot ako Darth Maul, hindi mo lang alam. Noong una’y nilikha ko kayo upang protektahan ako. Ngunit kung totoo ang panaginip ay kayo ang kailangang proteksyunan? Pero ano ba ang magagawa ng isang makata? Wala. Wala.

WALA. Ang galing ng blog di ba? Kasi napakaraming salita ang nailalabas, pero walang komunikasyong nagaganap. Ni hindi ko man lang nga makausap ang aking sarili nang matino, sapagkat kailangan kong isensor ang aking mga pangungusap. Sa dulo, puro mga titik, mga talata, pero walang paghaharap ng isip (meeting of minds, naks!) Nalulungkot ako, mahal kong mambabasa, hindi mo lang alam. Pero mayroon ding kaligayahan sa aking kasa/lukuyang sitwasyon. Masama ang aking mga panaginip. Meron daw paraan para h

NANDITO na pagkain ko. Hayup ng _____ _____ ‘yun, nalakihan yata sa joga ko. Meron sana akong gustong idagdag dito, pero malamang kagustuhan ng Diyos na hindi ko isulat, kasi s’ya ang may kontrol na lahat. O s’ya, katapusang tawag.

PS Lady, please Lady, cursing at your life. You’re a discontented mother, and a regimented wife. Dreams, bad dreams. Two more names, two more names. Come on God, give me these two. Please?

Jul 15

SIMONE Luce Marie Ernestinne pala ang kumpletong pangalan ni de Beauvoir. There’s something about banishing one’s only hope for redemption that is saddening. There I went again, acting on impulse, yielding to my anger. And here I am again, wanting to make peace. So, what, does this not prove that all my relationships, whatever the level, are the same? But, but, but, there are some that are different! Maybe, these different things are the same, so that what I have are two same kinds of relationships. This would make an interesting psychological self-study, but I don’t have the–the what?

WHAT I’m losing is my ability to type quickly. My sister goes a lot way faster, but I used to think I can hold my own. Now, I dunno. The problem with me is that I still have to look at the screen, although yes with a familiar keyboard I don’t need to look at the letters. It’s a skill, God-given. Hehehe. (Modesty here.) (Akala mo naman napakagaling na kahusayan ang magtayp nang hindi tumitingin sa mga letra.)

MUKHANG never na akong makukulong, so ngayon mismo sa sandaling ito’y sumusuko na ako. Hindi ko na nga alam kung paano ko pa magagawa ‘yung tanging libro sa sikulo ng kariton na kakaiba. Nalulungkot ako, at buti na lang may sakses kami ni Weni at hindi ganoong kababa ang lebel ng linggong ito. Minsan, kailangan din ng isang tao ng karamay. Pero hindi, hindi, mas gusto kong sarilinin ang mga problema ko. Ayokong mandamay. (Pero iyon naman ang laging nangyayari.) (Dapat kasi, umuwi na ako ng Dama de Noche, para ang tanging mapupuntirya ng tantrums ko’y mga bato at pato.)

TAPOS ko na ang The Body in the Library. Hindi ko inaasahan na si _____ at _____ pala ang mga pumatay, at mas lalong hindi ko nakita ang anggulo ng body switch. Sabagay, noon pa naman ako sablay sa mga kwentong misteryo. Sa totoo lang, ‘yung isang crucial na eksena sa The Name of the Rose basta tango na lang ako sa eksplenasyon ni William, hindi ko na sinubukang imajinin. Tapos ko na rin ang (what a coincidence!) Organs without Bodies ni Zizek. Napakahusay, at isa sa mga natanto ko habang binabasa ko siya’y ito: h’wag ko na dapat alamin kung ano ang pinaniniwalaan n’ya talaga, basta kunin ko lang sa texto kung ano ang sa tingin ko’y mahusay sipiin. Si Heidegger na lang ang kailangan kong bunuin sa buwan na ito, pero malamang simulan ko na rin si _____, o kaya ‘yung Sublime Object (o malamang sabay). Natanto ko na rin kung bakit ako nagbabasa/gusto kong magsulat ng mga libro ng teorya. Ito’y dahil sa galak na aking nadarama pag merong nababasang mahusay na halimbawa (halimbawa, ‘yung paliwanag ni Zizek tungkol sa "Hapon").

MUKHANG wala na akong pag-asang malathala sa kahit anong publikasyon ngayon. Bad shot, kailangan talaga pagbutihin ko itong nobela, kundi itatapon ako sa kangkungan. Tatlong rejection sa isang linggo! (Bagaman, pampalubag loob ko na lang, dalawa naman sa tatlong ito’y may pag-asa pa, kahit konti.) Malungkot ako, hindi ko alam kung bakit. Pero masaya rin, in a way. So, happy kind of sad, I’m on my way, to start my day. Manonood ako ng video in a while. Tsaka kakain. Kain na lang ako nang kain ngayon, hindi ko alam kung bakit naging negatibo na ang ganito kong gawain, samantalang noo’y hindi naman. Siguro, "lipunan" na rin ang may dikta. Hehehe. Punyeta. Este, titi ng ama. AY, manonood pala muna ako ng porno. Para macho, hehehe. That reminds me of an amusing anecdote involving the city of Manila. My god, the things a person remembers, the things a person forgets. The plan of May 8 (known to 6 people), is at the "torn to pieces" level. Still, I am hopeful. I realized something, listening now to Al. Ah, but why do I look at everybody as I was the only smart person on earth? Kailangan ng kaunting pagkamakumbaba. Higit pa roon, kailangan ng otentisiti. Kailangan din nang mabilis na paghahanap sa internet ng mga bagay na maaaring hindi na makita. Ngunit patuloy tayong maghahanap, ako at ikaw, mahal kong mambabasa, hanggang sa makita natin kung ano man ‘yon. Dahil, sabi nga ni Dennis Aguinaldo, "’Yun ‘yun e!"

NALULUNGKOT nga pala ako’t napakakonti pa rin ng benta ng aking libro. Sana man lang ay umabot ng _____, pero hindi. Mas nakakalungkot na sa _____ na bumili, wala pa sigurong kalahati ang magbabasa. Oh well, Noel, I never said it was easy, I just said it was worth it. Hindi ko alam a, pero sunod sa A New Hope, Revenge of the Sith ang pinakagusto kong Star Wars. Ikatlo ang Return of the Jedi, ikaapat ang Empire Strikes Back, ikalima ang Attack of the Clones, at kulelat ang The Phantom Menace. Sa totoo lang, napakapangit na pelikula ng The Phantom Menace.

ANG mahusay kay Zizek ay ang kanyang abilidad na makakita ng koneksyon sa mga bagay na tila ba walang koneksyon. Isa itong skill na wala ang iba kong modelo sa prosa (si Paglia ba? Hmm…). Hindi pa rin ako nagsusulat, at bad shot kasi kailangan ko talagang magsulat. Pero sa tingin ko, sa labas nitong nobela at mga kritikal na sanaysay, ayoko nang magsulat. (O sige, isang araw magtutula ako, pero hindi ngayon.) Tsaka nga pala dula. In short, bolero ang talatang ito, pwera ang unang tatlong pangungusap.

AVIADO, tungkol saan ang Choke? Konektado ba ito sa kanta ni Natalie Imbruglia sa kanyang Left of the Middle? (Na, of course, tungkol sa post-marxism nina Laclau at Mouffe.) Hindi natitigil ang pagkaagnas ng aking katawan, idagdag mo pa itong bagong sakit, tatlong linggo nang hindi naghihilom. Sa tingin ko, Fritz, mas mabuti pang magkasipilis kaysa magkaganito, pero meron akong interesanteng nabasa sa Organs, hinggil sa _____ _____, at sa tingin ko’y astig itong _____ _____ _____. Ang sarap magbasa ng blog na puro blanko ‘no? ‘Yan ang tinatawag ni Roland Barthes na writerly text. Bibili nga pala ako ng ______ sa Lunes, tas dadaan sa _____. Nakakapagod mabuhay, pero mas okey na ‘to kaysa mamamatay. Gusto ko lang magpasalamat sa iyo, aking Diyos, sa pagbigay sa akin ng inspirasyon para hindi na isiping magpatiwakal. Akalain mo, pwede pa lang mangyari ‘yon. Pero sabi nga ni Dennis Aguinaldo, "’Yun ‘yun e!" Ang naaalala ko tuloy ay ang nobelang Pranses na pinamagatang Sa kaibigang hindi iniligtas ang aking buhay. O di ba ang sexy? O s’ya, sige, alis na ako. Katapusang tawag.

Jul 08

7/8/2006

ANG NAKAKABADTRIP AY ANG AKING PAGTUKLAS NA AKO ANG LAHAT NG PANGALAN SA KASAYSAYAN

NATAPOS ko nga pala ‘yung Haunted ni Chuck P. (Pascual? :) nitong dulo ng Hunyo. Gustonggusto ko ‘tong nobela dahil hindi talaga s’ya nobela kundi koleksyon ng mga maikling kwento (ng mga tauhan ng nobela). Paborito kong maiikling kwento ‘yung una, "Guts," tsaka ‘yung tungkol sa inflatable dolls tsaka ‘yung "Demon Box." Pinakaprofound ‘yung huli, pinakanakakashock ‘yung una at pinakaprofound ‘yung tungkol sa inflatable dolls. Estratehiya ni Palahniuk ang shock and science, kung saan, halata naman, pinaghahalo ang facts tsaka kadiri efeks, tulad ng kung gaano katagal nabubulok ang isang bangkay at ano ang hitsura nito. Dati’y gusto kong bilhin ang kanyang Fight Club kaso nung binabasa ko ‘yung mga unang pangungusap naisip ko the movie adaptation is too entrenched in my mind para madisplace. (Walang sense ‘tong huling pangungusap.)

NGAYONG Hulyo balik Heidegger ako, at sa totoo lang mas naiintindihan ko ‘tong diskusyon n’ya ng walang hanggang pagbabalik kaysa sa wille zur macht bilang sining. Paano’y mas maraming pilolohikal na obserbasyon kaysa pilosopiya, kaya walang banat tulad ng "being is the being of beings in be-ing," at isa pa bilang splitter medyo hindi ko talaga malampasan ‘yung paggamit ni Heidegger ng nachlass ni Nietzsche, e dito nga sa librong ito’y Die Florische Wissenschaft, Also Sprach Zarathustra at Jenseits von Gut und Bose ang kanyang pinagkakaabalahan, kaya meron kaming parehong lupa (same ground :). Mga labinlimang kabanata pa ‘yung kailangan kong bunuin, pero sigurado akong matatapos ko ito ngayong Hulyo. Sa Agosto wille zur macht bilang metapisika at kaalaman, at sa Setyembre nihilismo, pagkatapos sa Oktubre Ano ang Tinatawag na Pag-iisip? (punyetang pamagat para sa isang libro ‘no?) pagkatapos tapos na ako kay Heidegger, pero sa totoo lang medyo meron s’yang mga ideyang nais kong pag-isipan, kaya baka magbasa pa ako ng ilang libro n’yang walang kinalaman kaya Nietzsche. Pero pare naman kasi, talagang minsan parang nananadya na lang s’yang maging walang saysay.

TAPOS ko na, medyo una sa skejul, ang libro nina Benvenuto at Kennedy tungkol sa siko-anal/isis. Masarap talagang magbasa ng mga introtext kasi pinadali nila ang mga konsepto, at sadya ang kadalian sa pagbabasa. Meron nga lang nakakalitong bahagi (mga tatlong oras kong pinag-isipan kung sino si RK, kasi wala naman ang kanyang inisyal sa biblio, bago ko magets na si Kennedy pala ang tinutukoy, at nakakapagtaka na sa tuwing s’ya’y babanggitin kontra sa ideyang dinidiskas nila ang komento, naisip ko tuloy kung si Benvenuto hindi pareho ng opinyon…) ngunit sa kabuuan ay nagustuhan ko ang libro. Ibang larawan ng siko-anal/isis ang ipinakita nito sa akin, naging mas hindi nakakatakot dating ng disiplina, but at the same time there’s this feeling of disappointment, because I expected something more controversial. Oh well, Noel.

ILANG pahina na lang din ang natitira sa The Body in the Library ni Agatha, at sa totoo lang medyo hindi ako excited. Hindi ko maintindihan kung bakit ginawang walang sentral pdb (punto de bista na mula ngayon ang tawag natin sa pov), there’s no build up of tension tuloy. Still, may konting suspense, at malamang tatapusin ko s’ya bukas. Hindi pa rin ako nagsusulat pero meron akong jinotdown sa margins ni Heidegger tungkol sa kung paano ko aayusin ‘yung eksena. Ayoko kasi ‘yung lagi kong pinapatalon ng lulan, gusto ko mas meron akong disiplina kaya hanggang maaari talaga sa isang kwarto lang ang mga tauhan sa bawat eksena.

BY the way nalathala na ang aking "Hong Kong Hanggang Bukas." Nang ipakita ko sa tatay ko ‘yung antolohiya at itinuro ko ang aking kwento, binasa n’ya ‘yung unang pangungupap. E, parang ganito yata ‘yun e: "Itinapon ni Culasa ang huling titi sa basurahan." Ayun, unang pangungusap lang ang binasa ng tatay ko. Sa aking pagrebyu ng aking kwento, natanong ko rin sa sarili ko kung bakit puro na lang titi ang aking mga kwento. Sabi ni Diane pagkatapos n’yang mabasa ang aking nobeleta na repressed daw ako, and to a certain extent she is correct. However, I believe that there’s more to my private part obsession than just plain repression, and I’m thinking about having a stranger read my works for an ass-essment (mali ang baybay).

ILANG pelikulang ST ang aking pinanood nitong nakaraang dalawang linggo, at sasabihin kong mas gusto ko ‘yung Classic kaysa Next Generation. Kaya halimbawa mas tinamaan ako ng kamatayan ni Spock kaysa kamatayan ni Data. Pinakagusto ko sa apat ang The Wrath of Khan, pero malay mo meron pa akong tatlong hindi natitira. Meron din akong napanood, an excellent eggxamination of abortion. Natanto ko mula sa videong ito na meron palang mga etikal na isyu na maaaring isabuhay mo ang iyong paniniwala. Sa tingin ko’y ipapasok ko ito sa aking popular na kultura silabus sa susunod na semestre.

MARAMING salamat nga pala kay Amy, sa kanyang pagpapaxerox para sa akin ng Organs without Bodies tsaka The Sublime Object of Ideology. Tapos ko na ang huling kabanata ng una, at medyo nascan ko na ang huli, at meron akong nalaman: nag-uulit ng patawa si Zizek. Hindi ko alam kung kritisismo n’ya ito ng bilis-ng-dahas ng kapitalismo, at talagang nang-uulol lang s’ya. Natanto ko rin na ang sexy ng pangalang Ernesto Laclau. Isama mo na ang pangalang Chantal Mouffe. Marami akong kilalang Ernesto, pero wala pa yatang Chantal. Speaking of names, I don’t know what’s wrong with me but I can’t remember de Beauvoir’s third name. I’m always going Simone Marie Blank Ernestinne! Nakakainis, buti I’m not losing sleep over it. Of course I know I can check the fucking encyclopedia, but I want to remember it on my own… Gusto ko talagang basahin ‘tong Sublime, pati na rin ang parating na Parallax, at pati na rin ‘yung Organs. Ang sexy kasing magsulat ni Zizek, mas sexy pa kay Eagleton. Mas sexy pa kay Rorty. Mas sexy pa kay Nietzsche. (Hmm, scratch that last part, Nietzsche’s writings aren’t sexy.)

MAHIRAP ang pera ngayon, hindi ko malaman kung bakit. Nitong Hunyo naman dirediretso ang daloy. Oh well, Noel, ganyan lang siguro ang buhay, may umaalis may naghihintay. Hehehe. Maraming WELL, I just scatched myself bleeding. Hay… Hindi ko tuloy maalala kung ano ‘yung "Maraming" hehehe. Meron pa akong walong minuto para magsulat. Bukas ko na ito ipopost. A, oo, ngayon naisip ko na. Maraming publication oppurtunities ngayong buwan na ito. Interesado ako sa isa. Ang kaso nakakaburat, talagang nakakaburat. Gusto ko kasi mauna ‘yung atake ko sa _____ at _____. Shit. Pero kailangan ko na talagang magsulat para sa isa sa tatlong opurtunidad, kundi magkakandalecheleche ang lahat. Naisip ko, minsan kailangan talaga libroform ang binabasa, kasi blogs don’t invite that much attention and commitment. Ewan. Of course I know all avenues must be exploited, and sterility authentically engaged. Pero… Ewan. Punyeta. Basta ang alam ko, meron na lang dalawampu at dalawang linggo. Hay naku, sana naman maging okey ang lahat. Oo nga pala, maraming salamat Bucu. Ayan, publiko ang deklarasyon. I remember something Nietzsche said, I don’t know where, about gifts and gratitude. It goes something like this: when a person gives you a gift, he (sadya) puts himself over you, but by saying thank you you level your levels back. I don’t know what the fuck that has to do with this paragraph, I just wanted to name drop.

PS Puro pa rin ako pantal. Pero may nangangati noon na hindi na, dahil sa pantal. Isang alegorya.

Jul 07

TAGAL ko nang di nagpopost. At, ikalulungkot mo mahal kong mambabasa, na hindi rin ako nakapagsusulat. Nasa 111 pa rin ako. Alam ko naman ang susunod kong dapat isulat, ngunit wala ako sa mood. (Sana hindi ito mabasa ni Bucu, kundi magmumukha akong ipokrito.) Konti na lang at mawawalan na ako ng pananampalataya sa akin nobela. Hay naku, mahirap talagang maging tao. Pero dapat talaga, bagaman napakaraming taong namumuhi sa akin, ang bigyan kong pokus ay iyong mga nagmamahal. Sapat na ang parusa, kung nagkasala man ako’y bayad na. Kung hindi pa rin ako kayang patawarin, ako na lang ang magpapatawad. At lalayo. At lilipad.

ITONG palang mga taga-Slovenia’y meron nang halos 80 libro hinggil sa sikoanal/isis na makaLacan. Dito kaya sa Pilipinas, pwede ‘yon? Tipong, Sentro Para sa Pag-aaral ng Ideolohiya, o kung ano man. Hay… asa pa ako. Sigurado rin namang pagkatatag ng grupong iyo’y agad-agad ding mababaklas. O: hindi. Merong pag-asang maging buo, maging isa. Kung talagang gugustuhin?

RALPH, bubusisiin ko itong mga tula. Padala ko sa ‘yo asap ang aking mga komento, pero ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo: hindi ako marunong tumulo. Este tumula.

NAGHAHANAP ako ng isang daang tao na bibili ng SA MGA SUSO NG LIWANAG. Dalawang daan lang, may LIBRENG vcd.

DALAWA lang naman ang pagpipilian ko ngayon: ang ipagpatuloy ang aking pagiging inotentik bilang ipokritong paghihiganti, o: ang maghanap ng bagong pag-uubusan ng luha at pagod. Sa tingin ko, ang unang landas ang aking tatahakin. Sa tingin ko, kailangan ko talagang mapanood ang PIRATES OF THE CARRIBEAN, ikalawang yugto. Crush na crush ko talaga si Johnny Depp. (Tama ba baybay?)

KRISTINA, malapit ka nang magbentesinko. Itigil na natin ito. Bagaman meron akong ginawang kasalanan, siguro naman hindi ganito ang kapantay niyong parusa? Pero sabi nina Bucu at Amy, mali raw ako noon sa aking ginawa. Pero walong taon na ‘yon, at malamang ikaw mismo’y hindi na naalala. Binubura ng paglipas ng panahon ang katotohanan, hanggang sa alaala na lang at mga kwento ang natitira. At pag wala na ang memorya, tanging mga kwento na lang ang matitira. At dahil ako ang nagkukwento ng storya ng pag-ibig natin (read: ko), ako ang lalabas na bida.

PANAHON na, sa tingin ko, para patawarin ko ang aking sarili. Noon pa naman ito sinasabi ni _____. Sa tingin ko, panahon na para pakinggan ko ang kanyang advays. Sa tingin ko, panahon na para magsulat muli.

PS Hinigad ako nung Martes. Hanggang ngayon buong katawan ko puro pantal.

Jul 01

Catybucuagonistes