6/25/2006
KAPAPATAY ko lang ng TV. Wow, ang tagal na rin palang hindi ako nagsusulat dito. Ibig sabihin, mas matagal akong hindi nakakapagsulat sa blog (pwera sa surveys). Fight Club ‘yung palabas, sa 23. Gusto kong sanang panoorin, kaso ang pangit ng sounds. May kung anong ingay sa background, hindi ko maintindihan ang dialogue. I really should buy myself a VCD copy.
REALIZING my paranoia has no material basis. This because of a description of a mental patient named Aimee. I see myself in her. Imajinin mo ‘yun, naapektuhan pa rin pala ako ng mga librong aking binabasa. Sabi nga ni Kenny Rogers, "I wish I could hurt that way again." Gusto kong manood ng Superman Returns. Gustonggusto ko talaga ‘yung Fight Club, isa s’ya sa mga pelikulang hindi kayang sirain ng ibang tao para sa akin. Minsan ganun ako e, meron akong gusto, tas sisiraan ng ibang tao, tas ayaw ko na. Pero hindi Fight Club.
ANG galing talaga nitong version ko ng "Time After Time," dapat talaga alamin ko kung sino ang kumanta. Babaeng malalim ang boses. Ha, just found out something about myself. Something about writing. About typing actually. Kanina ko pa balak ibaba ang dalawang magazing kailangan kong itransfer ang nilalaman sa computer. (Dalawang artikulo ng Top 100 ever.) Nauubos na yata ang alaala cells ko. Hindi pa rin ayos ang blog kong pinapagawa, at sira na yatang talaga itong computer ko. Wasak ang Internet connection, that’s four sure. "You say go slow, I fall behind. The second hand unwinds." Sana matuloy ang plano namin ni Marikina # (hindi ko maalala kung pang-ilan si W, hehehe, I really should memorize my codes).
BOUGHT three books today. Saving nothing, really. I better drop dead soon, because if I grow any older I’m going to have to become responsible. Hay. Ayokong tumanda. Dapat college na lang ako habambuhay. Of course, I have more money now than before, so maybe I’m just bullshitting around. Ambagal kong magtype, ilang salita pa lang ito, tatlong kanta na ang lumilipas… Emptiness na naman ang drama ko this week, pero reading about Aimee sort of energized me. Problemang malupit, para na akong on drugs, just searching for the next high…
KANINA naempacho ako. Pa’no, after merienda nagdinner ako. Hehehe. At least in moderation na ang aking body-destruction. Hehehe. Pansin ko lang walang laman ang post na ito. Kasi, ang goal naman ay magsalita, hindi magcommunicate. What a lonely person I am, ‘no? Needing a computer in order to have someone (myself) to speak with. Pero in a sense ganun din naman talaga ang diary di ba? Talking with yourself using a machine (ano naman ang pinagkaiba ng computer sa papel at lapis). Parang pensive ni Dumbledore, o di kaya’y ‘yung journal ni Tom Riddle. Sayang next year pa ang susunod na Harry Potter book, excited na akong malaman ang ending. Feeling ko talaga mabait si Snape, ang kaso wala akong makitang makikipagpustahan sa akin.
JUST wish October would come already. Or do I really? We never like the present, don’t we? It’s always the old days were better, or: the future will be brighter. We hate where we are because this is where we are. "Then I started believing that I fell out of a tiny raindrop, that lost its way when it decided to roam." Ayon kay Siriban ako na lang ang may-ari ng Four Non-Blonds na tape sa buong Pilipinas. Dati, nakakita akong CD version ng Bigger, Better, More, sa AstroVision yata, kaso hindi ko binili kasi used. Sayang… alam ko namang di imortal ang teyp.
HINDI talaga dapat ito ang isinusulat ko. Sayang, maganda pa naman ang nagiging takbo ng kwento. Ewan ko, meron yatang built-in something ang mga tao sa kanilang puso, na gumagana kapag naroon na sila sa pagkakataon pwede na nilang abutin ang kanilang pangarap na bituin. Ang fankshon ng b-i something na ito’y iprevent ka from doing what you really want. That’s sad. That’s our tragedy. "And I feel what I feel."
OO nga pala, pag in quotes ibig sabihin lyrics ng song. I really should buy a CD soon, siguro dapat OPM. Tipong April Boys. Sa Bituing Walang Ningning pinapalabas na si Lavina ang kumanta ng "Sana ay Mahalin mo Ako," e ang alam ko si Sharon ang kumanta nun. Si Sharon nga ba? Sarap sa Disyembre, manonood ako ng Zsa Zsa Zathurna. Ang hirap kasi nito e, puro xerox, xerox na mabaho. Ayoko na sa Manila, gusto ko na sa Dama de Noche, pero alam ko namang imposible. It’s a sad sad life we lead, my friends, not being where we want to be. Pero that’s always the case naman di ba? We don’t want to be where we are because it is where we are. Sumpa yata ng Diyos ito, minana natin mula kina Eba at Adan. "You can have a change of heart if you would only change your mind." Shit, ambagal kong magtype, hindi ko masabayan ‘yung radyo.
SANA naman ok na ang Blast ngayong alas dose. Kasi, bad trip na talaga ako. God, I’m so dependent on technology. But who isn’t? Noong nasa LB ako, I used to wake up at 5 para magsulat. Kamay pare, kamay. Isa sa mga bunga ng experimentong ito ang "Hong Kong Habambuhay," na lumabas sa Kule folio, ang Kadiliman. Wala lang, gusto ko lang magplug. Hehehe.
TALAGANG degenerate na ako. O noon pa? I really should try to renew myself. Naks, tipong Britney Spears. Pero totoo, kailangan. Mahirap ‘tong trend na ito, malaise ba ang tawag? Basta, ‘yung dissatisfaction, it has to stop. Para kasing nothing feels good anymore, not even masturbation. (Whoops, sorry dear reader, didn’t mean to make you want to hurl.) Back to poser-existential musings. Saan kaya ako makakabili ng musika ng Meat Loaf. (That’s two words pare, better remember it kasi Meat gets mad when you misspell his name, and when you misspell misspell.) No Exit, wala talagang takas. Kagabi, or was it last last night, nanood ako ng Date Movie. Mababaw akong tao, alam mo ‘yon, at tawa ako nang tawa. Tas inon ko ‘yung commentary, at winasak nung dalawang critics. Tas hindi ko na tuloy gusto ‘yung movie. Ang sad ‘no, how I let myself be shaped by the words of others. Writing more than speech, pero for some reason pag deeply ingrained enough na I managed to block out the malicious words of others. Unfortuanately, ‘yung reasons ay few, at talagang continuous flux ang aking emotions. Pero kanino ba ang hindi? "You better believe it."
OO nga pala, I’m playing a game. ‘Yung nasa quote marks na lyrics, when you add up the titles of the songs they came from, meron kang mababasang message. Ikaw na bahala, dear reader, kung kanino sa tingin mo iyon nakaaddress. At dahil ako nga lang ang may kopya ng album nina Linda, sasabihin ko kung saan nagmula ‘yung linyang "Then I started…" "Drifting" po ang pamagat na ito, formative sa aking high school years. Hehehe. Sometimes, when I joke here, and then I forget about it, and I review my archives, hindi ko maaalalang imbento lang, and so naniniwala ako. Ang galing ‘no? Parang magic.
ALIS na ako. Gusto ko lang na may gawin. Meron pa kayang Fight Club? Hindi ko malalaman. Hindi ko bubuksang muli ang TV. Paalam, paalam. Katapusang tawag. O sige, h’wag muna. Let’s wait a few minutes more. Alam mo, I found out na kapag you use dialogue with an implied reader, it makes people project themselves more sa kung anong abstract bullshit na sinulat mo. Ang galing ‘no? Power of suggestion. Happy is the person who gets to sing out loud. That’s our lesson for the day, dear reader. Pleasant days and long nights to you. Cersei out.
PS Blast is sira, trying out this other one now. Fuck Blast, shit! Nakakazar! Hay…
Pero pag sira itong isa, ibig sabihin compu na namin talaga ang may problema.