HEALTH REPORT! I have this lump at the base of my throat. Feeling ko sinasakal ako. There’s this pain to the left of my chest. Leg cramp, right leg, woke up screaming.
Life, I know, is all about frustration. Akala ko this day would be different. Oh well, no-el. There’s nothing to look forward to. Not anymore. All this bullshit. What must a man do to achieve his dreams? I know. I know. But goddam, must that be the price? Must it?
Nobody likes my English. Not my teachers, not my friends. Dapat makinig ako sa kanila. After all, they’re the only ones who read me. Sabi ni Marikina 1, iba raw ang loneliness sa pagiging alone, pwede ka raw maging lonely kahit na you are with people. Naks, profound.
Ang sabi ng marami, meron akong existential angst. Ang sabi ko, baduy ‘yon, wala ako nun. Ang meron ako ay plain angst. Ang problema ko’y otentisiti. Di, totoo, otentisiti talaga. Sinisisi ko ang kolehiyo. Kung di nilagay ang mga kung ano-anong ideya sa aking utak noong estudyante ako ng kung sino-sino, e di sana masaya ako. Naalala ko ‘yung pag-uusap ni Ivan at ng Demonyo, tas sabi nung demonyo ang gusto n’yang maging e isang matabang babaeng Ruso na taos-puso ang paniniwala sa Kristiyanismo (Orthodox), na pupunta sa simbahan at magsisindi ng kandila at sa kanyang puso’y naniniwala na maririnig ito ng Diyos.
Sayang ang mga salitang ito. Dapat nagsusulat ako ng kung ano-ano. Pero to what point? After all, di naman pwedeng every month meron akong CD-book. Sakit na nga sa ulo ang produksyon ng isa. Meron pa lang ibang problema ang manunulat bukod sa pagsusulat. Ang pakiramdam ko, ang tanga-tanga ko. Dami na namang nagsasabi n’yan, pero ngayon lang tumama sa akin ulit. Para talagang walang katoryatorya ang aking mga opinyon.
Mahirap maging tanga.
There’s this fucking pain in my chest. I know I’m going to die soon. Baka nga hindi ko na mabasa ang huling libro sa Harry Potter. Ang sabi sa akin ni JK, sa huling pahina malalaman ng mga mambabasa na ilusyon lang lahat ni Harry, at wala namang Dumbledore, walang Ron at Hermione, walang Hagrid, walang Sirius, walang Order of the Penis, walang Hogwarts, walang magic. Personally, hindi ako naniniwala sa kanya. Pero ‘yun daw talaga e. E s’ya naman ang writer, kaya… ewan. Payagan kaya s’ya ng publisher?
FOUR JOBS I’VE HAD Project Coordinator Teacher Teacher FOUR MOVIES I CAN WATCH OVER AND OVER FOUR PLACES I HAVE LIVED FOUR TV SHOWS I LOVE TO WATCH FOUR PLACES I HAVE BEEN ON A HOLIDAY FOUR OF MY FAVORITE DISHES FOUR WEBSITES I VISIT OFTEN
Research Assistant
Dogma
Adaptation
Star Wars
The Matrix
QC
LB
Panay
Wala na
Futurama
The Dead Zone
Enterprise
The Simpsons
Baguio
Panay
Mindanao
LB (hu-what?)
Sinigang na baboy
Pritong baboy
Adobong baboy
Inihaw na baboy
friendster
yahoo
amazon
blogs (dami)
FOUR PLACES I’D RATHER BE RIGHT NOW
the czech republic
america (kaso puro racists)
australia
germany
All right, mas maganda na ang font. Hopefully, this will discourage anybody reading. These are really terrible days (mali ang Ingles ko). Alam ko naman kung ano-ano ang mga dapat kong gawin, pero ni isa di ko nagagawa. Alam ko rin kung bakit, kasi I don’t see the point. After all, bullshit din lang naman lahat ‘yan. Ewan. I’ve always seen myself as… ano nga ba? Ewan ko. I like encouraging people, so dapat ako rin malakas ang loob at matindi ang self-confidence. Pero hindi iyon ang nangyayari. Ang nangyayari konting kibot, wasak na araw ko. Titi ng Ama, drayber lang kaya nang sirain ang buhay ko. Makarinig lang ako ng di ko naman sure ang exact words. Makakita nga lang ako ng certain type of tao…
Jesus god.
Wala pa akong load. Wala pang laman ang ATM ko. I’m beginning to think na lahat ay masosolb ng pera. Kailangan talaga ng tao pera. Pera ang nagpapatakbo sa mundo. Kailangan ko ng pera. Pera ang pinakaimportante sa lahat. God bless pera! Wuhu! Wahu! Ang sakit ng dibdib ko. Punyeta!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Galing ng mga "!", parang mga tao sa pila. Meron dapat good news sa buhay ko, pero hindi na good news ngayon. Puro bad news. Bad news. Bad news. (Punning banyo here.)
Ayoko nang magsulat. Punyeta. Next year na ako magsusulat ulit.
Babay.
Sana naman matalo na ang Purefoods. Note, hindi manalo ang Red Bull. Matalo ang Purefoods.
Dapat sa mundong ito mabilis. Live fast. Die young. Wear disposable underwear. They’re biodegradable.
Dapat sa mundong ito mabilis. Live fast. Die young. Wear disposable underwear. They’re biodegradable.