December, 2005Archive

Dec 27

TAKING forever to download grouper, but once I finish mukhang makoconfirm ang aking hinalang ito na ang muling pagkabuhay ng Napster.  Pwede na ulit tayong magshare ng musika.  (Para sa mga mabilis ang koneksyon, pati na rin videos.)  Tandaan, isinara ang Napster dahil violation daw ito ng mga batas hinggil sa karapatang-ari.  Bakit kaya sinusubukan ito ng Friendster?  At gaano kaya katagal bago sila idemanda rin ng Metallica?

MUKHANG ten years ang aabutin ng download.  Badtrip.  On the other, I found out finally kung bakit ang daming “yaon” sa mga papel ng aking studs.  Hehehe.  May proyekto ako ngayon, it’s gonna be great.  As in, hindi mo aasahan, bigla ka na lang tatamaan.  Maikukumpara ko rito ang naganap sa Pransha noong 1960s, nang sa loob ng isang taon sunod-sunod na lumabas ang “Speech and Phenomena,” “Of Grammatology” at “Writing and Difference” ni Derrida.  (Kung gusto mo ng Pranses, o sige, La Voix et la Phenomena, Dela Grammatologie, Le Ecriture et le Difference.)  Syempre

mali

‘yung huling pangungusap na iyong binasa.  Hehehe.  Years from now, sasabihin ng mga tao: Ficciones?  Ano ‘yun?  (Teka, sinasabi na nila yata ‘yun.)

HALA, wasak na naman ang aking Internet connection.  Hirap magdownload pag Blast ang gamit mo.  Kakatamad na ang surveys sa Friendster, paskong-pasko pero walang sumasagot ng bago.  Bagot na bagot na ako sa mga tanong tulad ng “Nasaan ka ngayon”” at sa “Sinong love mo bukod sa parents at kay God?”  Napakadali namang sagutin, e di shempre si Gzaz.

LEANING

tower

of

Gzaz

.  O, wag nakawin. ( c ) 2005 U Eliserio ‘yan.  Sa totoo lang, nagbabasa ka ba ng blog ng iba para magnakaw ng world play?  At h’wag mo nang itanong, oo, sadya ‘yung world/word play sa previous sentence.  Shet sa pwet, isang oras pa bago matapos ang punyetang installation.  Ano bale, isang oras ako sa Internet?  Sayang.  Sayang, gusto ko talagang magkaroon ng akses sa Napster/Friendster.  Nakakainis, dapat talaga magLSD, este DSL na ako.  Ops, h’wag magnanakaw.  ( c ) 2005 U Eliserio ‘yan.  Sa totoo lang, galing word pay ko ‘no?  At yes, h’wag mo nang itanong, lahat ng laro sadya.  Kahit miss spelling.  Kundi naman play, jokkes.

WALA talaga.  Walang pag-asa.  Nasasayangan ako.  Next time.  Pag naka PLDt MyDSL na ako.  Ops, advertisement.  Forgive me.  Paano kaya ‘yung magdownload nang mabilis?  Meron ako nun, hindi Napster e.  MyNapster yata, or something like that.  Dun ako nakadownload ng “Hotel California” tsaka “Ironic” (nabura lahat nang magpaayos kami ng computer, pwede ‘yung, ironically enough, “Ironic”).  (Note: alam kong hindi naman ironic ‘yung sinabi kong ironic sa last sentence, pero e ano ngayon?) Ang sagot sa tanong sa parenthesis:

Dec 27, 2005

.

WATER.  I hear water.  Sarap ng water.  Nasusuka na ako sa Coke.  Pero adik ako.  Adik.  Hwehehehe.

HILO

ako buong araw.  Di ko alam kung bakit.  Siguro isa na sa mga dahilan ang aking paggising ng ala una ng hapon.  Yup, you read that write.  Hapon, as in taga

Japan

. 

SERIOUSLY, ayokong manood ng Exodus kasi si Bong Revilla ang bida.  Jusko lang ha, kung gusto n’yang panoorin ko movies n’ya, umalis s’ya sa Senado.  Hindi rin ako manonood ng Enteng Kabisote, kasi kadiri na si Vic Sotto at Kristine Hermosa ang partners.  At hindi lang weird kundi disgusting (dahil sexist) na ang Faye ng TV show ay Ina Magenta na sa pelikula.  My god, ba’t di nila ipartner si Vic kay Alice Dixon?  Kasi matanda na si

Alice

?  Yaki!  Yaki!  Pero ‘yung ibang MMFF films, baka patulan ko.  Lalo na ‘yung Mulawin, na dapat Encantadia ang title.  O s’ya, aalis na ako.  Giving up on Friendster’s Napster.  Vavu.

Dec 26

THE ENEMY IS ASS

MY god, the things you learn sa Friendster. Shetsapwet, I don’t think I’ve ever been this… shocked? Disappointed? Ewan. Pero, matagal na panahon ko na ring hindi nasasabi sa aking sarili: you should have seen that coming. Pero hindi ko nga nakita. So ano ‘ko, bulag? Medyo lang. Near sighted siguro. Jusko ha, pangalawang beses na ito sa taong ito (buti nga lang matapos na ang 2005).

SARAP pa lang makinig kay Alanis. Kaso, skipper ‘tong CD. Gusto ko sanang ibalik, lagi na lang talagang bad products ang nakukuha ko sa Tower, pero baka kasi radyo ko ang may diperensya. Nakakainis naman ‘tong Friendster. Magpapadala lang ako ng message. Siguro puro anik-anik, kaya mabagal ang upload ng page. Anik-anik. Anikin Skywalker. Luke Starkiller.

YOU oughta know. Mali ang baybay. For the first time in how many days, I have time, as in free time. Of course I have to work by 10 or so, pero it feels so good to have a few hours to think. Think hindi freely pa rin, pero ok na. Ok na ang konting kalayaan sa pag-iisip. Daming naiisip, daming kinakatakutan. Afraid are you? Fear leads to anger. Anger leads to hate. Hate leads to suffering. So far "Simple Together" pa lang ‘yung bago kong nagustuhan. Still, that’s seven songs. E madalas tatlo lang nagugustuhan ko sa mga CD, kaya nga madalang akong bumili.

TEKA, mali yata. May mali. O adik lang ako? Adik-adik. Adikin Skywalker. I didn’t fucking see THAT coming. Oh my God, thrice in a year. Afraid are you? Fucking afraid!

GOTTA keep calm. Gotta ka. Hehehe. Buti na lang I never lose my sense of humor (actually I do, all the time). Well, just checked, and everything is alright. Actually hindi, pero I expected it partly. How is this going to play out? I have no idea. One thing for sure though, nobody’s gonna catch me with my pants down. I’m going to be prepaid! Prepared.

KINGSLEY Amis, dapat akong magbasa ng Kingsley Amis. Stupid Friendster! Hay naku, ano ba naman ang maaasahan mo sa makina? E kaso ang tao ay isang makina. So ano ang maaasahan sa tao? Well, for one thing, good music. Thankee sai Alanis. Feeling ko mali ang spelling ko ng Alanis, pero ayoko nang tumayo para itsek. Speaking of which, a paper is coming along fine. God, it’s been in my head for what, two years? Pero finally, things are coming together. These days, when I think of money, I always think of spending it. Siguro, ganun din lahat ng tao sa mundo. Siguro.

HAY guru deva ohm. Gonna leave now. Hilo na ‘ko e. Bavuy. "Ariadne, I love you, Dionysus." So wrote the insane Friedrich Nietzsche to Cosima Wagner, soon after going insane, sa Turin, Italo, Enero 3 o 4 (scholars not sure), 1889. How romantic, ‘no?

Dec 25

at tangi ko lang masasagot, kasi nasusuka ako FIRST two names * if you really wanna know my real name, all you have to do is assk FIRST letter ng name ng love mo except relatives & God * hahaha, as in God talaga ‘no? m! FIRST thing na ginawa mo nang magising? * pinatay ang electric fan FIRST thing na inisip mo nang magising? * gotta do 5 today, gotta do 11, gotta make something of myself FIRST na tao na inisip mo pagkagising? * believe it or not, si edlyn FIRST na sinabi mo nang magising ka? * where’s my brain? FIRST song na narinig mo ng magising ka? * xmas song e FIRST na hinawakan mo nang magising ka? * selepono FIRST thing na tinitingnan mo sa guy/girl? * dahil nakakatamad nang paulit-ulit na dede ang sagot ko sa tanong na ‘to, kunwari: mata FIRST thing na hinahanap mo sa guy/girl? * self-confidence, tsaka dapat mayaman FIRST thing na nakakaturn-off para sayo sa guy/girl? * siguro ‘yung inilarawan ko sa klase, ‘yung sa sobrang magkaiba kami ng mundo, nang yayain ko s’yang manood ng ang pagdadalaga ni maximo oliveros, ang sagot n’ya: pano naging pagdadalaga, e maximo ang pangalan, e di guy ‘yun! FIRST thing na gusto mo sa isang tao? * imbento lang ‘yung sagot ko sa taas ha? FIRST thing na gusto mo sa sarili mo? * i’m terribly matsaga, sabi ng isang taong dapat nang kalimutan, ilibing na sa alaala, pero hindi pwede kasi… masama s’ya! FIRST thing na ayaw mo sa sarili mo? * ako’y masyadong apektado ng opinyon ng mga gago FIRST time na nakausap mo crush mo? * sino ba crush ko ngayon? wala na yata akong crush kasi bobo lahat ng nasa tv LAST movie you watched? * ano nga ba? revenge of the sith LAST tv show you watched? * asap LAST song you heard? * if you say that you love me LAST thing you bought? * ano nga ba? basta, bibili ako ng album ni alanis na may kanta n’ya from dogma LAST perfume/cologne u bought? * kahit nga deodorant di ako gumagamit LAST food you ate? * babuy LAST thing you wore? * tshirt LAST thing on your head? * alinis? LAST time you went out? * last week LAST n ginawa mo d time u went out? * took revenge on the jedi, revealed myself LAST thing you said to yourself: * at last we shall reveal ourselves to the jedi, at last we shall have revenge LAST person na nakaaway mo: * war is over LAST thing you drank: * di ako nakapagcoke, funny LAST thing you’ll do before sleeping tonight: * contemplate resigning and entering farming business

Dec 23

MULA sa kakilala kong si Catenean:

I thought about Franzen from Pinoy Big Brother and how I soooo want him to be evicted for consistently failing to follow rules, and of course, for his unhygienic practices, like picking his nose on national television. I hate Franzen because it’s true that he is a " representative ng mga jologs", which is practically the same as representing how the Filipino is as a whole. I hate how he constantly makes up excuses for violating rules, which is how the Filipino is as a whole. I hate how he reads the rule book and yet does not clearly understand what the hell he’s reading. And, and I hate how he is unmindful of rules, period. If Franzen represents this sector of society, and if all people in this sector are like Franzen, it is no wonder then, why the society we live in is in a constant chaotic state. The majority is stupid.

AKO, sa totoo lang, gusto ko kay Franzen. Ewan, siguro kasi di naman ako avid watcher ng Pinoy Big Brother.

REALLY, all I wanna do is leave this fucking country. ‘Yun lang. Wala na akong pakialam sa punyetang masa, sa punyetang mahihirap, sa punyetang lahat. Gusto ko na lang pumunta sa… saan ba walang mahihirap? Basta, kung saan man ‘yun, dun ako pupunta.

HINDI ko alam kung bakit kapag binabasa ko ang blog ng ibang tao (hindi ‘yung kay Catenean though) ay kumukulo ang dugo ko. Siguro kasi, magkaiba ang mundo namin, tas sila (dalawa sila) pareho. O baka dahil… ewan. Siguro, reaction-formation ‘to. Siguro. By the way Amy, salamat sa iyong NYT forward. Kakaadik pala ang may akses dun. Pinagbabasa ko ‘yung Top 10 list nila, from 1997 - 2004. Kakatuwa. Gusto ko na tuloy ulit magbasa.

IKINAKAKAHIYA kong hindi ko pa natutuloy ang ikaapat na libro ng The Dark Tower ni Stephen King. Sa totoo lang, sabog ang pagbabasa ko ngayon. Hindi ko pa rin tapos si Bataille (batay ang pagbigkas, sa mga hindi nakakaalam, naks ang poser ko), at kahit patuloy ang pagmartsa sa mga pahina, hindi ko masyadong maarok ang mga pinagsasabi ni Eagleton. Tapos… binabasa ko rin ngayon si Tolentino. I find his stories better than his essays, and his Filipino better than his English, but that’s just MY opinion.

REALLY should stop reading other people’s blogs. Talagang… Siguro ganito rin pakiramdam nila pag binabasa nila blog ko. Sa tingin ko, pinakaokey na ang blog ni Catenean sa lahat ng nabasa ko (and maybe that’s because I haven’t been reading her in a while). Kaya nga lang naman ako pumunta sa blog n’ya para iclick ‘yung link dun sa… dun sa… Hehehe. THE ENEMY IS ASS.

SABI nga ni John Lennon: A very Merry Chistmas… and a Happy New Year. Wait, hindi pala s’ya ‘yun, ‘yung mga bata sa background ang kumakanta nun. Hindi ko alam, pero ayoko talaga sa mga bakasyon. Gusto ko ‘yung may Pasok. Gusto ko ‘yung rigidity, ‘yung may sked na susundan. Para meron akong kontrol sa mundo, para meron akong pinatutunguhan. Hay naku, slavery is freedom.

NAKALIMUTAN ko ang mga linya ng footbinder na si cummings nang minsan kong subukang iresayt ang "somewhere i have never traveled something something," pero I think naalala ko pa ang huling apat na linya: "i do not know what it is about you that opens/ and closes, only something in me understands/ the voice of your eyes are deeper than all roses/ no one, not even the rain, has such small hands." Hands, as in Hands Solo. Hwehehe. Oist, h’wag nakawin, copyright.

ANO ang ibig sabihin ng "Breast Like Soft Lavender"? Hindi ko alam, but it sounds fucking cool to me. Malamang, to me lang. Still…

ANYBODY know this song:

Coz we all live in the space age

You give me road rage

It’s up to you boy

Driving me crazy

Thinking you maybe

Losing your minds.

NAKS. Minsan nalulungkot ako na mga kanta mula sa ibang bansa ang aking ginagamit na mapa sa aking buhay. Ewan ko, hindi ito nasyonalismo Ewan ko kung anong tawag. Siguro, ressentiment. (Pero syemps, dahil kay Jameson medyo hindi na ako apektado masyado ng genealogy ni Nietzsche. Medyo na lang.)

1.do you drink?

~ kunwari oo.

2.when was the last tym u drank?

~ kahapon lang, i was feeling lonely.

3.umiinom ka ba ng gin?

~ dapat may tsokolate. para ginakolate.

4.have you drank vodka?

~ hindi, pero ‘yung ostranenie, inuming Ruso rin, oo.

5.san ka natutong uminom?

~ nung hayskul, initiation sa frat.

6.nalasing ka na ba?

~ lagi nga akong nagsusuka sa… um… putsa ang hirap mag-imbento.

7.napapakanta ka ba habang lasing?

~ pag nagtuturo lang. hehehehe.

8.favorite song mo pag nalalasing ka?

~ my immortal.

9.nainluv ka na ba sa isang kainuman?

~ sa waiter.

10.nagsuka ka na ba sa inuman?

~ sa waiter.

11.tamang age para pwde nang uminom?

~ pag kaya mo nang bilhin. tigas naman kasi ng mga taong kailangang ilibre tas susuka.

12. fave drink mo?

~ teka, rusong inumin ba ang vodka?

13.chaser ng empi??

~ Ay hindi ko pa na-try e.

14.umuwi ka na bang gumagapang dahil

sa kalasingan?

~ ba’t di ka na lang magpasagasa? punyeta.

15. sino ang madalas naghahatid sayo

pag lasing ka na?

~ ba’t di ka na lang tumalon mula sa tuktok ng shangrila? at least ‘yun may meaning, at least ‘yun may sublimity.

16. ano yung craziest thing na ginawa

mo nung lasing ka?

~ sumagot ng survey nang totoo sa puso.

17. may nakahalikan ka na ba nung

lasing ka?

~ Ay ayoko ng tanong. Hindi wholesome.

-> hehehe, si chuck may secret

18. nkakailang bote ka ng beer?

~ 3, suka na ‘ko sa 4.

19. san mig light strong ice o red horse?

~ Ay Red Horse. di ba sa ad nila bawat lagok lalabasan ka?

20. hard drinks o beer lang?

~ hard.

21. umiinom ka ba sa bar?

~ pumasa ka muna.

22. mahal noh?

~ o, gets mo ba ‘yung 21?

23. sa pulutan.. sisig o bopis?

~ hotdog, walang lokoha.

24. mani o chicha?

~ Ay ano ba yung chicha?

-> slang yata ‘yung for girls chuck

25. pag umiinom ka ng beer.. sa bote o

sa baso?

~ stro.

26. nangaway ka na ba pag lasing ka?

~ pwera waiter

27. nkasabay ka na ba ng lasing sa jeep?

~ sa bus, putsa ang baho ng hininga.

28. nag jijeep ka ba ng lasing?

~ Ay oo.

29. nalabasan ka na ba ng alak sa ilong?

~ bastos!

30. nasabi mo na ba sa sarili mo na hindi

ka na iinom?

~ oo, siguro kasi sign of weakness for me ‘yung you embrace losing self control. not that that’s always bad.

NAKUHA ko from blog-hopping:

Anyway, it puzzles me. He still loves her. (Yes, "love" is the right word. Not "like". Love is possible at the tender age of 16-going-on-17, believe it or not.) She still loves him. (I read her blog. She still does.) So why all the drama? Why can’t everyone stick together, and be happy? Why does someone have to cry?

I guess it’s just one of life’s questions that no-one will ever be able to answer. Like, "Why is the sky blue?" Yes, I know HOW the sky is blue (scattering)… but why blue?!

Why did Hitler’s wife marry Hitler? What did he see in him? He wasn’t even cute!

ANG sagot ko: kasi nga, it’s not love. At ano ang love? Well, sabi nga ni Placido Penitente at John Denver: And some say love is for holding on, and some say letting go. And some say love is everything, and some say they don’t know.

BIBILI ako nung CD ni Alanis, ‘yung meron nung kanta n’ya from Dogma. Oops, wala nga pala akong pera. And in, what, three months, wala na rin akong trabaho. Hehehe. Yup, I’m going places. Do you remember, mafriend, when we thought we could save the world? And we tried, and we failed? And we found out that it didn’t matter, because the world didn’t need saving, and we didn’t need saving, and anyway saving is impossible, because who will save the saviours? And so we found out that salvation presupposes itself, and is therefore autotelic, tautological, circular, ikot lang nang ikot ang kasaysayan? Ah, Carl, ano ‘yung ba ‘yung mga sinabi sa ano nga bang tula ‘yon? Ni Ginsberg. O s’ya, aalis na ‘ko. Sarap magbuhay, magcoke ka muna.

Dec 22

BINASA ko ‘yung post ko sa baba, at sa totoo lang, ang napakainteresante ko talaga.

NAPAKARAMI ko nang nobelang nasimulan. Tingnan natin, hmm, ito ‘yung mga naalala ko pa: "Satan’s Luv," isang ang lulan ay Krus na Ligas, isang tungkol sa mga Mind Masters (sci-fi at fantasy at otobiography). ‘Yan ‘yung mga umabot sa 50 pahina. ‘Yung iba (siguro mga dalawa), tig-isang kabanata lamang. ‘Yung "SL" winasak ng aking mga highschool-turned-college friends. ‘Yung Mind Masters winasak ng isang Amerikang nakilala ko sa Internet. (Ang "thrashing" pala ay iba sa "trashing" hehehe.) Sa mga nobelang sinimulan ko post-kolehiyo, ang isa’y okey na sa olrayt (kung may awa ang Jos), ang isa’y nasa isang magiting at kahangahangang reader (il miglior fabbro). Ang isa’y hindi ko pa matatapos, at wala akong balak tapusin hanggang hindi ko nasisigurado ang buhay nung una. Mabilis akong magsulat. At entertaining naman.

WALA naman akong pakialam sa sining-sining na ‘yan. Ang punto’y ang mambabasa, at ang punto’y aliwin s’ya. Of course, meron din akong moralmoralan-ek, na sa totoo lang ay hindi ko pa narereconcile. Siguro pag may oras, pag-iisipan ko.

ANG punto lang naman kasi ng ikalawang talata’y ang pagbanggit sa aking proyekto ngayon, isa na namang nobela (na, technically, the 4th I’ve started this year). Muli, magsusubok ako sa Ingles. Hindi ko alam kung bakit, sabi ni Ma’am Lucy madumi raw ang Ingles ko. I guess, I just believe na hindi. Or: maybe if I try hard enuf, magiging malinis na s’ya. Sana nga, sa nga.

I’D run down into hell and back. I would do anything for love, but I won’t do that. Ano nga ba ang tamang baybay ng Meatloaf? Meat Loaf, o Meatloaf. Tsaka, meron ba silang ibang kanta kundi ‘yan?

SIGE, aaminin ko, hindi entertaining ang post na ‘to. Pero, gusto ko lang sabihin na… meron nang nakitang Seinfeld DVDs ang ate ko! Yehey! Yehey! Ngayon, kailangan na lang ay The Dead Zone seasons 2 to ewan. Dapat nga pala ilalagay ko rito ‘yung TOP 25 Favorite Novels, kaso word pad file din ‘yon e. So h’wag na lang. Would you believe, gumawa ako ng lists para sa fave poems, shorts stories at PLAYS. Hwehehehe. Nerd!

YEAH well, nakakalungkot nga’t minsan na lang akong makipag-usap sa mga nerd na kaibigan. Is it really nerdship that I’m looking for sa friends? Or maybe: it’s this passion for reading. For knowledge? For art? Di. Di. Nerdship lang talaga. I keep trying to recall my days at LB, what’s the dif between that and now. Friendship-wise. Maybe because, ngayon sa Diliman, I don’t have anyone to talk about books about. (Naks, kasing galing ko na si Melanie Marquez.) I guess that’s it. ‘Yun ba, ‘yun ba ang hinahanap ko sa mga kaibigan? Kasi noon, syempre, lagi kaming nagkikita nina Amy at Dennis, isama mo na sina Siriban at Dumlao. Ngayon, hindi na. I guess ‘yun ‘yung dif. Of course, following Nietzsche and Krishnamurti, I don’t wanna Romanticize the past, ayoko sa ressentiment syemps, at ayokong gawing Great Big Other ang LB kung saan ipoproject ko ang aking mga pantasya. Pero that’s one thing that was nice about that place: I had friends to talk about books with.

GOING now. I was supposed to write something here. Ah, yes. Next year di na akong daily makakapag-Internet. Time for a cool change. I’m taking charge of my life. Looks like God has agreed, and I am assured that I will live for the next three years. I must make the most out of it. And that means: less virtual living, more actual living. (Although, I have to say, walang pagkakaiba ang dalawa.)

GREAT. Stupid friendster. Or stupid Blast? Basta, ambagal ng takbo ko. So I guess stupid Blast. I must say that this has been a productive day. I’ve forgotten what chores do to a person. Now I remember na: they make him (her) a better person. Sabi nga ni Jack Nicholson sa As Good as it Gets: You made me want to be a better man. Sabi naman ng isang banda: Can’t find a better man. Sabi naman ni Sarah Brightman: Who wants to live forever?

AKO. I want to live forever. Boring ‘yon, pero it beats death. I think. Therefore I am. Nahihilo ako. I think it’s because of the computer. Yey!

Dec 20

SIGURO ay may kotse ka na ngayon… dilaw ang ‘yong suot at buhok mo’y green…

MARAMING nagsasabi (ako) na bumagsak ang kalidad ng musika ng Eraserheads sa panahon ng "Bogtsi." Pero, kung iisipin, nang maglabas sila ng Xmas album (2nd year ko sa kolehiyo), dapat nahalata na natin ang parating na deklayn. Naitanong sa akin ng isang taong espesyal, bakit ba raw sila hindi magbalikan ay lagi na lang may tribute para sa kanila? Ibig sabihin: people want them, want them back, never wanted them to disappear. Ngayong nakapag-isip, ang sagot ko: para saan pa? Nakarecord naman ang kanilang mga kanta, copied na sa aking computer, meron pa akong back-up na pirata. Ang musika’y musika, hindi natin kailangan ang banda. O, sa madaling salita: mas mahalaga ang "Ang Huling El Bimbo" kaysa sa mga taong lumikha at unang kumanta nito.

MGA gusto kong bilhin: Graywolf anthology, libro ni Hirsch, ‘yung collection ng mga patawang Amerikano, tsaka ‘yung listahan ng pangalan.

MINSAN iniisip ko, gawa ako nang gawa ng listahan, bakit hindi ko na lang gawin? Bakit hindi ko na lang bilhin. Bakit, bakit, bakit… Pero naalala ko si Sarah Geronimo, at naiisip ko: "Why do I keep on asking why?" tas, wala na, wala nang problema, tapos na ang boxing. Gagawa na ulit ako ng listahan. Listahan sa tubig.

BIGLANG pumasok sa utak ko si Kristina. Kaya pala, malapit na ang Pasko. Bruhang ‘yon, hindi man lang ako binabaan sa lektsur ni Sir Bomen. Nakita ba n’ya ako? May kasama s’yang kapwa tibak. Alam ko nakita n’ya ako. Bruhang ‘yon. Ayos kaya ang kanyang selepono? Bahala s’ya sa buhay n’ya. Bruha s’ya. \

NAKAKAHIYA akong kaibigan, lagi akong nakakalimot ng kaarawan. Si Chuck, tas si Amy… Hehehe. Patawad… :(

MATAGAL na pala akong di nadadaan sa blog ni Johnny. Nakakatawa, na ang mga dating magkakaibigan, ngayon watak-watak na. (Walang kinalaman sa isa’t isa ang huling dalawang pangungusap ko.)

BUTI pa si Master Vedan, sa Amrika na titira. Ako, dito pa rin sa impyernong Pilipinas. Ayoko na rito, puro burak. Basurang bansa. Sabay-sabay tayo: "Pinoy ako, Pinoy tayo…" Sa totoo lang, wala talagang kwentang bansa ang ating bansa. (Syempre panggagagad lang ang talatang ito.) Pwera ‘yung unang pangungusap. Teka, dapat pala sa parentisis ang mga pangungusap na ‘to.

NAKAKATAWA, kasi merong friendster message ang ate ko na ngayon ko lang nabasa. Ano ‘yun, sira na naman ang friendster? Sabagay, ‘yun ngang mga friends ko e, pag kiniclick ko, wala raw kaming common friends, samantalang meron naman… ‘Yun ngang isang friend ko, nasa 2nd degree friends list ko rin. Ang masagwa e ‘yung ooffer-offer sila ng video capabilities, pero kung dial-up ka lang e forever naman bago mapanood. Sorry ha, hindi lahat kami nakacable (dsl, whatever). Whatever, whatever, whatever…

GUSTO kong pumunta sa Paris, tulad ni Vivian, gusto kong mag-aral ng Film. Hehehe. Sayang naman kasi, walang Film sa Mass Comm. Nagugutom ako. Actually, hindi. Kakakain ko lang ng choco cake. Sinarapan! Kumusta na kaya si Dumlao? Sana makita ko s’ya. Ok din ‘yung meron kang matandang kaibigan, he (pwede ring she) will impart to you the wisdom of his (her) years. Of course, kailangang matanda talaga tulad ni Dumlao. Hindi pwede ‘yung trentahin lang. ‘Yang mga trenta, ‘yan ang pinakasiraulong tao sa mundo. Kailangang kwarentahin, kundi, lalo kang masasalaula.

MABIGAT ang mundo. Mabigat. I mean, mabigat na ako ha, pero mas mabigat ang mundo. Sobra talaga, asin. Kanina dapat dadaan ako ng bookstore. Kaso, umatras ako. Kasi, wala naman akong pera. Nagkamali ako ng computation. Wala na akong pera, akala ko merong parating. Hihihi. Kumusta na kaya si Siriban? Graduate na kaya s’ya? Meron kaya s’yang bagong labas na zine? Kailangan ko nga palang itanong kay Dennis kung magkano ‘yung nagastos nila sa folio ng Pantas.

MARYLAND, I’m coming home… Nyana nyana… Whatever. Hehehe. Private joke: cup cake. Hehehe. Hehehe. Masarap ang pakiramdam nang meron kang private joke. Kaya ok din ‘yung magkunwaring meron kang private joke. Hwehe. Sino nga bang ginagawa ko sa hwehehe na ‘to? Sino? Minsan, talagang napapatunayang siraulo ako. Minsan lang ha? Ewan ko, pero totoo. Whereever, whenever, whatever. Isn’t that a song?

SIGE na. Aalis na ako. Paalam!

PS Punyetang friendster, sira na naman.

REMEMBER, mafriend, when we thought we could save the world? Remember when we realized we could only save ourselves? Remember when it was revealed that we couldn’t even do that? Remember? No? I guess I don’t either. (Naks, mali ang tense.) At walang sense. Nakakalungkot ang mundo. Minsan, sa bus, nakita ko ang kinamumuhian kong billboard ng Bibbo hotdog. Regular ko na ‘yung nakikita, pero nung instans na ‘yun, gusto kong sumuka. Nakakatawa. Asin, gusto ko talagang sumuka. Dati, hindi ko alam kung bakit. Ngayon, sa mismong sandaling ito, nalahad sa akin ang dahilan. Hahaha. Nakakatawa. ‘Yun pala. Nakakatawa. Nakakaawa ang mga taong mababa ang tingin sa sarili. Nakakainis na malamang isa ka (meaning the writer of this piece) sa mga taong ‘yon. Hahaha. Manonood ako ng Enteng Kabisote. Bakit ako sumasagot ng surveys? Bakit ako nagbablog? Para kausapin ang aking sarili. Wala akong makitang "The Vile Bodies" ni Evelyn Waugh.

Dec 18

sa climactic climax ng "kampanerang kuba," piniling iligtas ni jomari yllana (evil kuba) ang anak n’yang si anne curtis (good kuba) kaysa ang magic potion na makakapagpagwapo sa kanya (nasa tuktok ng simbahan silang tatlo, at mahuhulog na ang potion at si anne). mabuting aral: mas mahalaga ang kabutihan at pagmamahal sa anak kaysa panlabas na anyo.

kaso: sa unravelling ng kwento, sa araw ng kasal ni anne curtis at lucky manzano (na gwapo, pero mahal si kuba "kahit" na pangit ito), pagkahalik ni lalake kay babae, naging maganda si kuba. mabuting aral: mahalaga pa rin ang panlabas na anyo.

bakit kailangang tumiwalag ang texto sa progresibo nitong statement: kasi…

ewan.

pero sayang. akala ko, itutuloy nilang kuba si kampanera. siguro, naisip ng abs, hirap namang imajining nagsesex si anne curtis at lucky kung kuba si anne.

iyon lang.

(c) 2005 U Z. Eliserio

Dec 15

minsan, pag binabasa ‘yung blogs ng ibang tao, nagugulumihanan ako.  di ko maintindihan.  i’m confused.  very much.  yes.  yeah.  anyways…

nasisiraan na yata ako ng bait (ano nga ba ‘yung tamang gamit ng expression na ‘to, tinuro na sa ‘kin ni dennis nun e…).  ewan ko, ang mga kabataan kasi, ang hirap arukin.  dapat siguro, stick na lang ako sa blogs ng friends ko, para at least pareho kami ng wika.

although i have to say, always interesting ang blog ni april, at buti na lang buhay na ‘to ulit.  itong si vedan ang isa sa mga taong hindi ko maispeling (i.e., hindi ko makahon), kasi she keeps doing (actually saying) things na, well, unsettling.  anyways…

galing ng gamit ko nung anyways, pangconnect sa mga talatang walang koneksyon.

ampangit ng labas lagi ng posts ko, walang spaces.  gusto ko may spaces.  friendster blogs = booh!

oist, buko, di ko pa natatapos kwento mo.  unang talata pa lang ako.  daming problema.  tsk tsk tsk.  h’wag mag-alala though, hindi ko naman wawasakin.  actually, exag lang ‘yung tsk tsk tsk.  kelangan ko shempreng basahin muna nang buo para tama ang komento at dapat tanggapin (kung tatanggapin nga).

o sige, isusulat ko na ang aking xmas wish list.  para sa mga gustong magbigay, iabot na lang kay ma’am amy, o di kaya’y iwan sa pigeon hole ko. 

top 10 things i want for xmas

10. a void ni george perec

9. sabbath’s theater tsaka the dying animal ni philip roth

8. alphabetical africa ni walter abish

7. the hearing trumpet ni leona carrington

6. faith in fakes ni umberto eco

5. collected fictions ni jorge luis borges

4. smoke and mirrors ni neil gaiman

3. siglo: passion

2. lahat ng sinulat ni arnold arre na graphic novels

1. ‘yung pinakamurang version ng creative thingee ni kuya

.5 pants

.25 used polo shirts (kasi sayang kung bago ang ibibigay sa akin, di naman nagmamatter)

.1 time enough to write and read as much as i want

nga pala, cds tsaka vcds…

cds = eagles (kahit anong album basta may hotel california), gary v (kailangan may sa yahweh ang sayaw tsaka take me out of the dark), aerosmith (’yung merong amazing), the best of guns and roses (o basta may november rain tsaka sweet child of mine), sheryl crow (’yung may strong enuf), tsaka tsaka tsaka

medyo hungkag na pasko ‘no, puro materyal ang hangad.

ACTUALLY, PARODY KO LANG NG MATERIALISM NG ATING KULTURA ANG WISH LIST NA ITO

to continue, sa vcds, kahit ano, pero preffered ko sci-fi flicks, fantasy, tsaka comedies like american pie.  pwede ring simpsons, tsaka macgyver sets… tsaka futurama…

o s’ya, babay Constant Reader…

Dec 15

"Well well well. Look do we have here!"
– ano daw yung nakita???

"Let’s give them a big hand of applause."
– malaki nga naman yung kamay nya

"The more the manyer."
– ano yung manyer??

"It’s a no-win-win situation."
– talo na, nanalo pa!

"Burn the bridge when you get there."
– why not dbah?!

"Annulled and void."
– pwede ka na mag-asawa ulit

"Mute and academic"
– disabled na graduate

"C’mon let’s join us!"
– sama ka na since andun ka na rin

"If worse comes to shove.."
– ay, nanunulak!

"Are you joking my leg?"
– wag yung leg, yung braso na lang

"It’s not my problem anymore, it’s your problem
anymore"
– hindi nga naman nya problema yun

"What are friends are for?"
– friends pa rin ba kayo after this?!

"You can never can tell."
– oo nga naman

"Been there, been that."
– ikaw na ang maging beans

"Forget it about it."
– magkaroon ka raw ng amnesia

"Give him the benefit of the daw."
– benefit eh

"It’s a blessing in the sky."
– ano yun, manna?

"Right there and right then."
– ASAP

"Where’d you came from?"
– past tense in the past

"Take things first at a time."
– isa-isa lang, mahina kalaban

"You’re barking at the wrong dog."
– kagatin mo na lang!

"You want to have your cake and bake it too."
– ay! nag-aaral ng baking! kumikitang kabuhayan!

"First and for all.."
– una-una lang yan

"I’m only human nature."
– tao daw sya??

"Now and there."
– ngayon na sabi eh

"The sky’s the langit."
– may translator ka pa!

"That’s what i’m talking about it."
– yun naman pala sinasabi nya eh

"One of these days is not like the other."
– syempre, tapos na yun. kahapon pa.

"So far, so good, so far."
– medyo malayo pa ang pupuntahan nila

"Time is of the elements."
– ano pa ba yung ibang elements??

"In the wink of an eye."
– kumikindat pa!

"The feeling is actual."
– may feeling pala sya

"For all inetense and purposes."
– ay! intense!

"I ran into some errands."
– bumangga sya kasi d sya nakatingin

"Hi. I’m , what’s yours?"
– what’s my what?!

"What is the world is coming to?"
– which planet are you from??

"What is the next that is?"
– we are next in line…

"Get the most of both worlds."
– swerte nya, alien sya.

"Bahala na sila sa mga batman nila."
– hehehe

"Whatever you say so.."
– whatever !!

"My answers have been prayered."
– religious!

"Please me alone!"
– iwanan mo nga

"It’s as brand as new."

Dec 13

1.cno pinaka importanteng tao sa buhay mo?
~ pamilya

2.ano ang pinaka masakit na nagawa mo
para sa isang tao?
~ pinakamasakit?  hindi naman masakit e, kasi ginawa ko for that particular person, so it wasn’t painful.  it was my duty.

3.pano mo mssbi na mahal mo ang isang tao?
~ ganito ‘yan, para sa mga uninitiated, meron pagmamahal, tsaka merong pag-ibig.  ‘yung pag-ibig, desire.  di ka kumpleto kung wala s’ya.  tipong relasyon: nasa paa ng bundok, nasa tuktok naman s’ya, at di mo makayang magkahiwalay kayo.  ang pagmamahal, valuation.  eto ‘yung pag pareho kayong nasa tuktok ng bundok.  at masaya ka nang alam mong humihinga s’ya.  o, sa madaling salita: mahal mo na ‘yung tao pag dati iniibig mo s’ya, pero ngayon hindi na.

4.maggwa mo bang magmhal ng 2 tao?
~ theoretically, yes.  pero excuse lang ‘yan for infidelity, adultery, betrayal.

5.would u fight for the one u love or let
him/her go?
~ never let go, never

6.pano kung mdming ngsasabing d kau pwde?
~ iyot

7.anong ggwin mo pag umiyak sa tbi mo ung
taong mhal mo?
~ mas mahirap pag umiiyak s’ya nang wala ka

9. ngawa mo na ba magmhal ng kaibigan?
~ di pa, kadiri naman kasing mahalin si dennis

10.ano mas mhrap, sbhin s kaibigan mo n
mhal mo xa o itago?
~ tanungin na lang kita: anong mas mabaho, ‘yung itatago mo ang natirang ulan sa basement, o ‘yung iiiwan mo sa dining table.  kasi kung iiiwan mo sa mesa, baka kainin ng daga.

12.pno pg cnbihan kng MARTIR/TANGA
~ di pa yata ako nasasabihan nang ganyan, at malamang di talaga ever

13.kya mo bang mghntay s taong may mhal
ng iba?
~ paghihintay implies pag-ibig

15.ano ang mga bagay na nagppiyak sau?
~ mga byernes