November, 2005Archive

Nov 28

Nakakahiya.  Tas kakabasa ko lang ng mga dagli ni Roland na nangmamock sa malimaling Ingles ni Melanie Marquez.

That fuck of the matter is…  Wawawi!

Nag-aalala ako.  Nag-aalala ako.  Kasi naman e.  Kasi.

Naiisip ko kung merong mga taong nagbabasa nito tas the-reader-is-the-text ang nangyayari.  Caliban, Caliban, Caliban.

‘Yun lang.  Gusto ko lang ipaalam sa tatlo kong mambabasa na alam kong nagkamali ako sa Ingles. 

Nov 26

E ‘yung taong pinatay sa Amerika? 

Stateside!

Vicky Giambattista. Sophia Decena. June. Mamay. Sino pa ba? Maui. Rapunzel Me. Bebang Kero. Monica Kero. Sino pa ba? Sina Marian at Marion. Ano nga ba ang pangalan ng kapatid ni Sophia? Betty Giambattista, nanay ni Vicky. Penefrancia Purificacion. Madre Karitas. Naku, hindi ko na maalala ‘yung iba. May isa pa akong madre e, tsaka isang sibilyan. Si Marie, oo nga pala, nagtatatrabaho sa Tejano. Tsaka: si Pompom Chua! At si Cheer Chua! Ha! Galing kong gumawa ng pangalan! Nakz! Oo, napakaraming tauhan nga pala ng JLtFP.

Meron akong nabasang libro, sabi bakit ba raw Department of Defense sa Amerika, dati naman honest sila at Department of War ang tawag nila dito. Pero kung susundin ang pagpalit ng Defense sa War, e di tawagin na rin nilang Vietnam Defense ang Vietnam War (World Defense I at World Defense II), at baguhin na nila ang kilalang sawikain ng mga Amerikano ("War is hell"): "Defense is hell."

Mabagal na naman ang punyetang ISP Bonanza Internet connection. Ang hirap maging dependent, at mas mahirap maging dependent sa teknolohiya. Hindi kasi tao ang mga makina (bagaman, sabi nga nina Deleuze at Guattari, makina ang mga tao). Kasi walang Sorge ang makina, at sigawan mo man ang iyong selepono, hindi ka pa rin makakatext kung wala kang credits.

Mahirap maging mahirap. Lalo na kung marami kang gusto na hindi mo naman kailangan. Kasi, kung pagkain, meron akong pera. Pero kung libro, ‘yun, hindi ko mabili. Or rather: walang katapusan ang gusto kong bilhin. Para bang hanap ako nang hanap sa huling libro, sa mahikal na librong magbibigay-kahulugan sa aking buhay, at hanggang hindi ko iyon natatagpuan, hindi ako titigil sa paghahanap. Nakakatawa, hindi ko naman nababasa ang mga librong binibili ko. (I try though, I really do try to read them all.) (Mali ang Ingles ko.)

Masama ang pakiramdam ko. Sa utak, medyo rin sa katawan. Feeling ko talaga, diabetes ‘tong dark spots sa aking skin. Hay.

Itong blog, parang ganito ‘yung pangarap nating lahat na magkaroon ng kolum sa jaryo. Sana isang araw magkaroon ako ng kolum sa radyo. Jaryo. Jaryo. ‘Yun talaga ang astig. Kasi, araw-araw may lumalabas na libro, pelikula, palabas sa telebisyon, kanta at sanaysay na taliwas sa aking pinaniniwalaang tama, at nais kong tapatan ang mga iyon araw-araw din (o sige, linggo-linggo), tapatan in the sense na DedeBatihin. (Ang isa pang mahusay ay ang pamagat ng sanaysay ni Homi Bhaba: "DessimiNation," di ba?)

Punyetang ISP Bonanza, punyetang ISP Bonanza. Punyeta. Tama si Eliot. Tama si Heidegger. Ang sagot ay ang lumikha ng komunidad tulad nang sa "The Village." ‘Yun. Kailangan nating tumakas lahat mula sa mga kuko ng liwanag. Mula sa era ng pandaigdigang pelikula (age of the world picture, naks). Kailangan, sapagkat walang tenga ang makina. Kailangan, sapagkat hindi tayo mahal ng makina. Hindi tayo mahal ng pera. Sabi nga ng mga Pranses: "As long as our society is based on money, we will never have enough of it."

Natatakot ako. Paano kung mamatay ako? Wala man lang sa 14 ang aking nailalabas. Wala yatang silbi ang kahit isa kung hindi nalalabas. Kailangan kong malabas, at hindi ko malabas. Kailangan kong matapos ang sikulo. Kailangan. Kahulugan ang katumbas nito.

Wala na akong masulat pero hindi pa rin kumakabit ‘tong attachment. Sana naman matapos na ‘to. Punyetang ISP Bonanza.

Pero mas punyeta ang EPSON. Hay naku, walang kwenta ang service center nila sa SM North.

Malapit ko nang ilabas ang rebyu ko ng napakahusay na libro ni Rolando Tolentino: "Sakit ng Kalingkingan."

Nalulungkot ako kasi namatay na ang KK DILIM. Nakakatawa kasi isang linggo pa lang s’yang buhay. Kaso, kung walang komitment, wala. Sayang. Sabagay, ang pagiging manunulat at pagsusulat at ang kagustuhang maging manunulat ay magkaiba. Sabi ko nga: "Dancers dance, writers write." At dagdag ni Ma’am Jessel: "Doctors doc."

I am afraid. I am so afraid. I have failed the cycle. I have failed myself.

Get a grip, sigaw ko sa sarili ko. Pero walang epekto. That fuck of the matter is, I am going insane. How do I know? Lahat naman tao kinakausap ang sarili nila. Lagi ko naman ‘yong ginagawa. Ang kaso, ang kaso, ang kaso. Ang kaso, nitong isang araw lang (o dalawa?) e, kasi, merong sumagot. Isang salita lang naman. Aktwali, dalawa. Sabi, oo nga. E, iniisip ko nga kung ako ‘yun. Siguro nga ako ‘yun. Tama. Tinatakot ko lang ang sarili ko. Tama. Ako ‘yun. Hindi ako nababaliw. Hindi ako pwedeng mabaliw. Hehehe. Joke lang. Joke lang lahat. H’wag pansinin. At h’wag sabihin sa iba. Masamang magtsismis.

Oo nga.

Fritz, you declared so long ago that a person should die at the right time. This is not the right time, I think. Not the right time. Ah Fritz, ah Master Yoda, ah Merlin, ah Gandalf, ah Zarathustra. Ah. This bites.

All my wars are over. Over. Over. Finish the cycle. The cycle. Cycle. Just finish the cycle. If you finish the cylce all this pain will have meaning. And isn’t that what we want? Meaning? "Who has a why to live for can bear almost any how." You can answer why. You can answer why. Why. Why. Why.

And that is the truth. Choo-choo, choo-choo.

Wawawi, nag-iba na naman ang hitsura ng Friendster!

Si Mel, nagdiwang ako nang maging Friendster ko s’ya. Di man lang pala n’ya ako kilala. Ako si Ishamael, the Betrayer of Hope. Si Samaael, s’ya ‘yung Destroyer of Hope. Pakiramdam ko, hope ang kahulugan ng el. Pakiramdam ko lang.

Amor fati. Amor fati.

Memento mori. Memento mori. Memento mori. Memento mori. Memento mori.

Memento vivere.

Amor fati.

Nov 25

Ito ang gusto ko kay Ilia e, matapang.  Sige, tingnan natin kung pwede mong ipagtanggol ang Xianity laban sa aking mga paratang.  Dati, nagdebate kami ni Celina sa Friendster.  Midway, naging estudyante ko s’ya.  Tapos ang debate.

E tutal naman, Protestante (aka Cabbage [para sa paliwanag basahin ang "Finnegans Wake"]) ka at Born Again (aka Zombie) s’ya, idiskas natin ang pagtingin ng Xianity sa bakla.

Simplengsimple: ayaw ng Xianity sa mga bakla.  At kung sasabihin mong hindi kaya, itanong sa iyong sarili:

Ano ang tingin mo sa dalawang lalakeng nagtsutsupaan? 

Kung kaya mong sabihing MORAL at DAPAT IPAGDIWANG ang gawaing ito, aaminin kong Xianity does NOT hate homosexuals.

Aabangon ko ang iyong sagot.

PS: Zombies hate sex, Cabbages, well, medyo hindi nga yata.  Still, context of marriage context of marriage, procreation procreation, so, no sex for pleasure?

Nov 24

Note to self: e-mail Noel.

Pagal. Pagod. Tired. Tayrd.

Still, I plod on. Plod on. Tama ba ang gamit ko ng "plod"?

Lahat ng proyekto ko, mukhang bulilyaso. Bad shot.

Sira pa computer namin.

Ayaw pang magprint ng print. E ano pa ang silbi n’ya sa buhay kung hindi s’ya makapagprint?

Kailangan kong magsulat. Kailangan kong mapublish. Kailangang may patunguhan ang buhay ko.

Ang daming kailangan.

Asar kasing limitado ang daluyan. Kahit ang mga magandang balita hindi maganda. Mukha pang kukupalin NILA ako. Sino SILA? Basta. Malalaman n’yo pag nakupal na ako.

Gusto kong pumunta sa bilihin ng DVDs ni Vlad sa Quiapo, gusto kong bumili ng McGyver collection. Gusto kong maramdaman muli ang naramdaman ko nung bata ako. ‘Yung pagkamangha. ‘Yung delayt.

Kailangan naming ipaayos ‘tong computer. Basurang computer, last year ko lang binili. Basura. Basura lahat.

Note to self: e-mail Noel.

Dami kong kailangang sulatan. Kaso masyado akong pagod. Pagod na pagod.

Pong na ang pangalan ko ngayon. Pong Pagod.

Maanghang. Pero masarap.

Mamatay na ‘yung taong magnakaw ng Pong Pagod. Pero kung nauna ka sa akin at ako ang magnanakaw, pasensya. Basta, 11-24-05 ngayon. (C) U Z. Eliserio.

Affirm eternal recurrence!

Amor fati!

Hindi kayang buhayin ng mga slogan ang isang tao.

Goodbye shoulder blades.

Tama si David. Contingency. Contingency.

Ang kailangan ko ay Solidarity. Kailangan kong pag-isahin ang aking mga kaibigan. Kailangan ko ng kapayapaan.

Tsaka ng pera.

Masaya sigurong magkaroon ng maraming pera.

Gusto ko nang bilhin ang tomo 4 hanggang 7 ng seryeng The Dark Tower ni King.

Kaso halos 2000 ‘yun.

Hahaha. Sira ulo talaga ang mundo. Sinong matinong tao ang merong anim na libo at limang daang dolyar?

Ang masama’y nawawalan na ako ng pananampalataya sa aking pagsusulat. ‘Yun ang malungkot. ‘Yun ang hindi ko matanggap.

Taryd. Sow tayrd.

What a lousy day.

Mga inaabangang libro: A Memory of Light ni Robert Jordan, at Harry Potter and the Lord of the Rings ni JK Rowling. Hep hep, bago nakawin ang HPLotR, (C) U Z. Eliserio rin ‘yan.

Copyright ko ‘yung parody title.

Kjeldoran Outpost pala ‘yung nasa likod ni Mike Flores. Nakakatawa si Mike Flores, kasi kapangalan n’ya si Mike Flores.

God I miss Daniel. I miss him so much.

Astig si Elton John ‘no? Ano kaya talaga ang kahulugan ng kanyang kanta?

Pawala na pala si Angel Locsin…

Ewan.

Kumusta na kaya si Ilia. Sa lahat ng kakilala ko si LB, s’ya ang aking pinakanamimiss.

Nakakatuwa ang kanyang post tungkol sa pangalan na gusto n’yang ibigay sa kanyang mga magiging anak.

Bad shot ‘yung ale sa jip, pati ‘yung ale foot bridge.

Bad shot si BF.

Ow, just got bad news. God, I hate being talentless.

Pa’no. Paalam.

Nov 19

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang mga taong galit na hindi faithful ang Harry Potter movies sa Harry Potter books. Hindi naman pwedeng kakambal ng adaptasyon ang orihinal. Ika nga ni Dennis Aguinaldo at Amy Colanta, "There is always something Lost in Translation."

Pinakatrip kong HP movie ang ikatlo, The Prizoner of Azzkaban, hindi lang dahil sa paglalaro nito ng ilaw at dilim, kundi dahil inamin nito ang limitasyon ng adaptasyon at BINAGO ang kwento ng libro. Sa mga taong gusto ‘yung buong kwento sa libro, e di basahin n’yo ‘yung libro ulit.

Kung direktang pagsasalin ang inyong inaasahan, e di puro voice over ‘yon. Kakapanood ko palang ng HP4, The Goblet of Fire. Mas okey ito sa 1 at 2, pero mas gusto ko pa rin ang 3. Una, dahil kay Sirius Black (aka Sobrang Sobrang Black, Todo na Black, Really Really Really Black), na sira ulong pinortray ni Gary Oldman (na, sa Air Force One, sa sobrang galing umarte, mas kakampihan mo pa ang teroristang kanyang ginagampan kaysa sa Amerikanong bida), wala s’ya sa 4. Pangalawa, lampa si Fleur, ang tanging babaeng Tri Wizard Champion.

‘Yun pa lamang, baka may maisip pa ako. Indiano pala si Parvati Patil ‘no? Kailangan talaga, when I read the books I pay attention to the details. Hahaha. Pero ako nga lang ang nakakaalam na Irish si Finnegan. O s’ya, mahaba na ‘to. Type na ‘ko. Sana naman may ibang sumali sa KK Dilim next year. But I’m happy with this bunch, mukhang committed sila. Trained ni Dumlao at/o ni Aguinaldo e, trained ng LB. Go LB!

Nov 14

KUNG BAKIT GUSTO KONG MAGING MANUNULAT

Ni U Z. Eliserio

Simple lang. Kasi mahilig akong magbasa. Alam ko ang sarap ng pagbabasa. At naisip ko: gusto kong ibigay sa ibang tao ang ganito uri ng sarap. Gusto ko, ‘yung pagtawa ko nang sabihin ni Yambo sa The Mysterious Flame of Queen Leona ni Umberto Eco na: "Call me… Ishmael?" ay maging reaksyon ng ibang tao sa pagbabasa ng aking mga likha.

Minsan, may nagtanong daw kay Toni Morrison, bakit n’ya sinusulat ang mga sinusulat n’ya. Ang sagot n’ya, kasi hindi nakasulat ang mga ito. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit gustong maging manunulat, kasi walang nagsusulat ng mga ibang sinusulat ko, na sana’y gusto kong basahin. Ang mga paborito kong likha ko, Aswang As You Love Me, "Diyos Ko," "Jesus Loves the Fat People," ay expresyon ng aking hororvakwi. May pangangailangan para sa mga sinusulat ko.

Konektado rito ang isa pang dahilan kung bakit ako nagsusulat: ang aking ideya ng katarungan. Kung kailangan ng madaling depinisyon, ang katarungan ay ang estado kung saan ang mga tao’y naaabot ang kanyang potensyal. Maraming di-makatarungang bagay sa mundong ito, halimbawa, ang bulag na relihiyon. Ang aking mga likha ay laging may kaaway, at ang kaaway ko’y ang mga di-makatarungang institusyon at paniniwala sa mundo. Ang pagiging manunulat ay pamumuhay sa panahon ng digmaan. Nagsusulat ako para sa katarungan.

O ayan, meron na akong post na hindi Xmas wishlist.

Naisip ko lang, dapat mas mahaba ito. Pero kulang na sa panahon, kailangan ko nang magsalin.

Nov 12

pagpapatuloy ng aking xmas wish list

1. ‘yung kay janno gibbs, ‘yung may ang pinakamagandang lalake (na allusion sa isang maikling kwento ni gabriel garcia marquez)

2. ‘yung simple plan special na may perfect at welcome to my life

3. kahit anong eagles basta may hotel california

4. cranberries, best of

5. afterimage (’yung may tag-ulan)

6. introvoy (walang tatawa! :-)

7. aerosmith best of, ‘yung may amazing

o, pito lang ‘yan.  kung bibilhin mo sa lahat, 3500 lang.  hehehe! 

Nov 08

Oo, ito ang laging paksa ng aking posts.  E ano, blog ko naman ‘to a?

Hatiin natin sa dalawang kategorya ang mga gusto kong makuha sa Pasko. 

Ang una’y mga libro:

1. The Breast ni Philip Roth - 1800 sa Power Books Glorietta, bilhin na ngayon kasi isang kopya na lang

2. A Void ni George Perec - nakawin mula kay Amy Colanta.  S’ya lang sa buong Pilipinas ang may kopya na di xerox.

3. Alphabetical Africa ni Walter Abish - kunin mula sa Amazon.com

4. Anything by/about Nietzsche - pero kung kailangan ng specific, gusto ‘yung Cambridge Companion, 1600 yata sa Power Books Megamall at Glorietta

5. Anything about psychoanalysis - mula intro hanggang sa kahit anong sinulat ni Freud

6. Dark Tower Vol. 4 (Wizard and Glass), 5 (Wolves of Calla), 6 (Song of Susannah) at 7 (The Dark Tower) - available sa National, murangmura lang

Ngayon, ang presents na gusto kong makuha NA HINDI LIBRO:

1. Pants

2. T-shirts mula sa Fig Tree

3. Poloshirts

4. Booster Box ng Ravnica

5. Booster Box ng 9th Edition

6. Fat Pack ng 9th Edition

7. iPod (o ‘yung creative, parang kay Kuya)

8. Second season VCD set ng The Dead Zone

9. VCD/DVD set ng The Simpons

10. Ditto, Futurama

11. Ditto, The X-Files

12. Ditto, Seinfeld

13. ‘Yung I’m with stupid t-shirt na mabibili sa American Boulevard sa SM North

14. TV, sira na ‘yung amin e

15. Digital video camera

16. Casette tape recorder

17. Digital camera

O, pa’no, relatives, you’ve been warned.

Nov 06

Titi ng Amang Who’s Viewed Me feature ‘to. 56 daw, 56 a. Tapos, Titi ng Ama, pag ikiclick mo, wala naman daw bago. O sige, dadalawang tao lang ang tumitingin sa aking profile. Sino sila? Sino?

Titi ng Ama!

Inoff ko ‘yung anoynymous viewing ko para makita ko ‘yung tumitingin sa akin. Exhibitionist ako, e ano? Lahat naman tayo mahilig magpakita a. Kaya nga tayo nasa Friendster e. Pero maglaro naman kayo ng patas. Nagpapakita ako, ba’t kayo nagtatago. Titi ng Ama!

Oo, oo. Sinabi ko ngang hindi ako mag-iinternet sa loob ng tatlong araw. Pero promise, pag nagsimula na ang ikalawang semestre, di n’yo na ako makikita. Pramis.

Oops! Did something really stupid with the photo thing.

Argh! Dapat talaga hindi kumikilos pag galit e. New Year’s Resolution ko ‘yan. (Kasi di ko magawa ‘yung ni na magagalit ever.) Pramis, di na ako kikilos habang galit. Di man lang ako magkakamot pag galit. Pramis.

May nagpadala ng message sa akin. Friendster friends kami, pero di kami magkilala. Pero alam n’yo kung ano ang nakakalungkot. Dinelete ako nung kumukontrol sa JOEMA. Di ko na Friendster friend si JOEMA. Lungkot, lungkot, lungkot.

Yes, natanggal ‘yung pangit sa SIAM! Yes!

Isa pang yes: Friendster friend ko na si Mel! Yes! Yes!

Sinubukan kong hanapin si Pat Evangelista, ang bago kong crush (sila ng kapatid n’yang si Heart), pero di ko s’ya makita e.

Yes! Tanggal si Sam! Yes!

Pambato ko talaga sa PBB si Uma.

Hoy, mga kagroup blog ko, magpost nga kayo. Magpost!

Ang problema, I can’t write. Not because I don’t want to write, but because I don’t know what to write. I’m writing, believe it or not, TOO FAST.

50 days na lang, Pasko na! Wuhu!

Wait, wala naman akong pera…

Para sa mga kamag-anak at kaibigan, ang The Breast ni Philip Roth ay available sa Power Books Glorietta, 1800 lang. Sa Glorietta pa rin, sa a different bookstore, ang Contingency, irony, and solidarity ay 2000. Murangmura. Oops, dalawang libro lang ‘yan. Sige, sige, tutal naman wala akong magawa sa buhay. Ililista ko ang wish list ko. ‘Yan na ang 10 and 9. Heto ang the rest:

8. Alphabetical Africa by Walter Abish - available sa amazon.com

7. A Void by George Perec - obtaining this book involves going to lb and stealing it from amy

6. Digivideo, ‘yung pwedeng ipasok at iedit sa computer

5. X-Box, o kahit Playstation lang

4. iPod - kasi poser ako

3. anything by/about Nietzsche

2. cds ng aerosmith, eagles, tsaka simple plan (’yung merong perfect AT welcome to my life)

1. dvd ng seinfeld, simpsons, futurama, fraiser (mali yata spelling ko), the dead zone

O ayan, you have more than a month to buy, buy, buy!

Itapon ang Friendster blogs. Hindi ako makapagpost ng comment sa ibang blog.

Nov 04

Pumunta ako sa Glorietta ngayon, pagkatapos magtanghalian.  Bibilhin ko dapat ‘yung Collected Fictions ni Borges na nung isang linggo ko pa dapat binili.  Kunwari tumingin muna sa ako ibang libro, tas pumunta ako dun sa shelf kung saan ko s’ya iniwan (full of regret) nung Byernes.

Wala na s’ya.

Disappointed, pero tinatago ang nararamdaman, tumingin ako sa ibang libro.  At ano ang nakita ko?  Contingency, irony, and solidarity.  Kelan ko pa ‘to nais bilhin?  Andergradweyt pa lang ako.  Minsan akong nakakita, what, four years ago?, sa Popular.  Kaso 2000 + noon, kaya di ko nabili.  Chance ko na! 

Ang presyon: 2000 +.

Titi ng Amaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

Punta na lang akong Power Books.  Baka dun may libro akong kayang bilhin.  Nakita ko ‘yung hardbound collection ng apat na nabela ni Philip Roth.  Sabi, talagang sinabi ko outloud, nakita ko ‘yung The Breast sa listahan, sabi, out loud pare.  "Yes!  YES!"  May dumadaang lalake napatingin sa akin.  Ok lang, kapal naman mukha ko e.  Tingin ako sa price tag.

1700 pare.  1700. 

Now, sabay-sabay tayong kumanta:

Ako ay isang anak mahirap

Lagi na lang akong nagsusumikap

Ang buhay ko’y walang sigla

Puro na lang dusa

By the way, Dennis, nakakita na ako ng unang tomo ng Theory of Communicative Action ni Habermas.  3200, sa a different bookstore.  Kung payag ka, sasabay ako.  Mangshoplift tayo.