BREASTS LIKE SOFT LAVANDER
I hate Friendster. I hate blogs. I hate the thought na may nakakabasa nito. Pero sinusulat ko. Bakit kaya?
Kasi I’m delaying. I have to write something important, something I really need to do, and I’m tinatamad. My god, I thought I was masipag, but when you’re honest with yourself well, you find out that you’re full of bullshit. FULL of BULL. Money talks and bullshit walks. I like that. Nabasa ko kay Stephen King. Trip ko na talaga ngayon si Stephen King. Kahit na hindi s’ya ‘yung nag-imbento ng salawikaing ‘yon.
After 15 mins I’m gonna log out and do that thing I really have to do. I have vacations kasi hindi rigid ‘yung sked mo, so you have so much time to waste. Kung ordinary sem lang ‘to andami ko nang naaccomplish.
Natapos ko na ‘yung The Mysterious Flame of Queen Leona (baka mali ‘yung title, bahala na) ni Umberto Eco. Ampangit ng ending, kaya over-all hindi ko nagustuhan. Ang nagustuhan ko lang na parte actually ay ‘yung sinabi n’ya, "Call me… Ishmael?" (natawa ako dun) tsaka ‘yung kontemplasyon n’ya ng tae. Alam n’yo naman ako, basta tae naeexcite. Tsaka nga pala ‘yung paliwanang kung bakit pasista ng Ten Commandments.
Dapat tinatapos ko na ngayon ‘yung The Heart of the Matter, at mamaya talaga tatapusin ko na s’ya, kasi kailangan ko nang tapusin ‘yung Shalimar the Clown, ang kaso nagkandalecheleche ang reading sked ko nang simulan kong basahin , at nagustuhan kaya kinailangang tapusin, ang The Drawing of the Three ni Stephen King. Now, I’ve always thought na walang kwenta magsulat si King. Pag ginawang pelikula ‘yung nobela n’ya, dun lang gumaganda. Trip ko ‘yung The Stand, The Langoliers, Thinner, The Shawshank Redemption tsaka The Green Mile.
Nang makita ko ‘yung nobelang pinagbasehan ng The Stand, agad kong binili. Ito ‘yung ikalawang nobela ni King na sinubukan kong basahin (’yung una mamaya ididiskas ko). Ampangit. As in nothing like the movie! Naalala ko ‘yung Christine. Ang boring! Hindi ko sila parehong tinapos, binasa ko lang ‘yung ending. Kaya tinatawanan ko sa aking utak ‘yung mga taong nagbabasa ng On Writing ni King (tulad ng dalawang VCF girls kong kilala).
Kaso, itong seryeng Dark Tower rekomendado ng InQuest Gaymer. E ang IQ ang nag-introjus sa akin sa seryeng Wheel of Time, at sa marami pang libro. So I decided, sige, babasa ako ng isa, pag nagustuhan ko kukumpletohin ko ‘yung serye, tas pag hindi I will declare King boring forever. (Nahihiligan ko kasi nga pala ngayon ‘yung pagbabasa ng serye. Harry Potter, etc, basta lahat ng libro na maraming libro ang bumubuo.) Sabi mismo ni King sa introduction, the one thing I thought he was good at, writing intros I mean, na narebisa n’ya ‘yung unang libro ng serye kasi iba ang tinig nito sa buong serye, so sa ikalawang libro ako nagsimula (bakit dalawang libro ang meron ako imbes na isa? Mahabang kwento, kwento ko sa ‘yo pag nagkita tayo sa heaven). ‘Yun nga, The Drawing of the Three.
What can I say? I’m a King-convert. Exciting e. Tas ang galing na ‘yung bidang si Roland, pag nasa tunay na mundo s’ya, mundo ni King sa Amerika anyway, nagiging magical ‘yung tunay na mundo. Kasi nga tagaibang mundo s’ya. Never once was I bored. Meron yata, once, mga dalawang pangungusap. Tas all the way ok. Ang galing. (Medyo kulang yata sa anal/isis ‘tong rebyu ko ‘no?)
So anyway, babasahin ko ‘yung unang libro. Tas ‘yung ikatlo, tas ‘yung ikalima, tas ‘yung ikaanim, tas ‘yung ikapito. Saka palang ‘yung ikaapat. H’wag nang itanong kung bakit. Sabihin ko na lang sa ‘yo pag nasa heaven na tayo.
I’m trying to like The Heart of the Matter. It’s hard not to like a story you see so much of yourself in. But it’s absolutely boring. Natatakot tuloy ako. Baka naman kasi maging standard ko na ang excitement para sabihing maganda ang isang kwento. Oh well, no-el. Bahala na si Batman. Kailangan ko nang magsulat.